Treasurer itinumba sa loob ng jeep

BINARIL sa ulo ng nag-iisang salarin ang treasurer ng isang barangay sa Bacoor, Cavite nang tangkaing manlaban sa puwersahang humablot sa dala niyang bag sa loob ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Las Pinas City.

Namatay noon din ang biktimang si Artemio Arasga, 47, ng 154 Zapote 2, Kabila, Bacoor, Cavite sanhi ng  tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Tumakas naman agad ang suspek matapos makuha ang bag ng biktima at sumakay sa isang itim na motorsiklo na ginamit para sundan ang sinasakyang jeep ng biktima.

Sa report ni SPO1 Roland Abraham ng Investigation and Detective Management Division kay Supt. Noel Mecayer, officer-in-charge ng Las Piñas Police, ihahatid sana ng biktima ang kanyang bunsong anak at dalawang pamangkin sa pinapasukang paaralan dakong 5:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente.

Sakay sa pampasaherong jeep na minamaneho ni Agustino Molino, 33 ang biktima, anak at dalawang pamangkin ng biktima nang sumakay ang salarin at umupo sa harapan ni Arasga.

Pagsapit sa harapan  ng Francisco Motors sa Diego Cera Avenue, Pulanglupa, bumunot ng baril ang suspek at iniutos sa driver na ihinto ang sasakyan sabay hablot sa hawak na bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng salapi.

Nang pumalag si Arasga at nagtangkang manlaban ay pinaputukan siya sa ulo ng  hawak ng baril ng suspek bago tumakas. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply