Sen. Antonio Trillanes, kakosa lalaya na

NAGSANIB ang mga miyembro ng civil society at oposisyon upang hikayatin si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na bigyan ng amnestiya ang mga aktibo at dating opisyal ng militar at  enlisted personnel na sangkot sa   bigong pag-aaklas laban sa administrasyong Arroyo.

Sa isang manipestong ipinalabas noong Huwebes, hiniling sa Pangulo na pagkalooban ng pagkakataon ang pagkakasundo ng mga sundalo tulad ng ginagawa ng kasalukuyang administrasyon para sa Communist Party of the Philippines, Moro National Liberation Front, at Moro Islamic Liberation Front.

“This appeal is not to encourage impunity for their actions in the Oakwood incident of 2003, the Marine standoff of 2006, nor for those in The Peninsula Manila siege of November 2007 and several other related incidents,” isang sipi sa manipesto na nilagdaan ng 90 pambansa at lokal na lider na kinabibilangan nina dating pangulong Joseph Estrada, dating Senate President na sina Jovito Salonga at Ernesto Maceda, dating Chief Justice Reynato Puno, at dating House Speaker Jose De Venecia, Jr.

“We believe that it is time for them to rebuild their lives, and in the process, contribute to rebuilding this nation,” dagdag pa nila dahil napagdusahan na umano ng mga nasabing sundalo ang kanilang kapalaluhan.

Kamakailan, inaprubahan ng Senado ang isang binagong resolusyon na nagnanais ng paglilipat ng kustodiya kay Sen. Antonio Trillanes IV sa mataas na kapulungan para tuparin ang kanyang mandato bilang kinatawan ng halos 12 milyong Pilipinong bumoto sa kanya noong 2007.

Sa Resolution No. 7, ipinaliwanag ng 15 senador ang pansamantalang paglilipat ng kustodiya kay Trillanes ay hindi nangangahulugan ng kanyang tuluyang paglaya o hindi kailanman makasasagka sa doktrina ng separasyon ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at lalabag sa mga kagustuhan ng hukuman.

“President Noy, we believe that granting amnesty to these soldiers is not only acceptable, but also timely in view of the government’s agenda for peace and reconciliation,” ayon pa sa manipesto. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply