TRO sa SLEX fare hike hinirit sa SC na palawigin

UMAPELA kahapon sa Korte Suprema ang isang abogado na palawigin pa ang Temporary Restraining Order na inisyu nito upang mapigilan ang pagpapatupad ng halos 200 porsiyentong toll fee sa South Luzon Expressway.

Batay sa 25 pahinang motion to deny lifting of TRO ni Atty. Ernesto Francisco sa Korte Suprema, sinabi nito na hindi dapat alisin ang TRO matapos na maghain ng motion ang MTD Capital Berhad Investor na member ng Kuala Lmpur Stock exhange sa Malaysia na humihiling na ilisin na ang TRO.

Bukod dito, hiniling din ng abogado na dapat ding pagpaliwanagin ng SC ang administrasyong Arroyo dahil sa binanggit ng mga investor sa Malaysia na suportado ng Pangulong Arroyo ang proyekto at ito rin ang nag-inspeksyon ng Toll road 1 gayundin ang South Luzon Toll Way Corporation, Toll Regulatory Board at Philippine National Construction Corporation  dahil sa malaking discrepancy ng contract price.

Paliwanag ni Atty. Francisco, base sa kanyang pagsasaliksik, noong Pebrero 2006 nang i-award ang kontrata ay inihayag ng nasabing investor sa Kuala Lumpur Stock Exchange na ang halaga ng proyekto ay P8.5 bilyon para sa apat na toll road mula Alabang hanggang Lucena, Quezon subalit lumalabas na taong 2008 ang presyo ng kontrata ay biglang tumaas sa deklarasyon ng Presidente ng MTD Capital Berhad at naging P11 bilyon na para lang sa tatlong toll road hanggang sa Sto. Tomas, Batangas.

Nadiskubre rin nito mula sa isinumiteng mosyon ng investor sa SC  na ang halaga ng toll road 1 at 2 hanggang sa Calamba Laguna  ay P10 bilyon na at pag dinagdag ang toll road no. 3 hanggang Sto. Tomas ay P12 bilyon na para lang sa tatlong toll roads mula sa Sto. Tomas hanggang Lucena Quezon ay magkakaroon ng karagdagang P14 bilyon.

Lumalabas na pag natapos ang kontrata sa Lucena ay magkakahalaga ito ng P26B na hamak na mas malaki sa P8.5B na inaward sa kanila.

Iginiit ni Francisco na kung hindi sila tututol, posibleng tanggalin ng SC ang TRO dahil nangyari ito sa mga nakaraan dahil sinasabing malaki ang lugi ng expressway dahil hindi sila nakakakolekta ng toll fee. Ann Pimentel

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply