Trust fund kay “Baby George” ikinasa sa Senado

LUBHANG  nababahala ngayon ang isang senador sa pagdami ng bilang ng inaabandonang sanggol at bata at insidente ng abortion kaya’t inihain ang panukalang batas na naglalayong magbuo ng isang trust funds para dito.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, layunin ng panukala na magbuo ng isang pambansang programa para sa suporta at pangangalaga sa mga abandonado, iniwan at boluntaryong inihabilin sa pamamagitan ng special trust fund.

“Pangunahing papel at tungkulin ng bawat magulang sa harap ng ating Panginoon at sa harap ng tao na pangangalagaan ang kanilang mga anak. Ipinakikita nila ito sa sakripisyo ng mga magulang na magtrabaho upang matiyak na maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak sa pagbibigay ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan,”  wika ni  Cayetano.

D apat gumawa ng pambansang programa ang pamahalaan na lumikha nang panghihimasok sa pamamagitan ng pagsuporta at pangangalaga sa mga ulila, inabandona, iniwan at boluntaryong inihabilin na bata.

Kailangan din  tugunan ng pamahalaan ang dumadaming bilang ng abortion sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga mahihirap na magulang sa hindi nakaplanong pagbubuntis.

Sinabi pa ni Cayetano na pangkaraniwang nagpapalaglag ang mga mahihirap na magulang o napupuwersa silang ipaampon ang kanilang anak. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply