Truth commission manunumpa kay PNoy

PORMAL na manunumpa ngayon kay Pangulong Aquino ang mga mga miyembro ng Truth Commission na inatasang humalukay sa mga sensitibo at kontrobersiyal na kaso ng Arroyo administration.

Sinabi ng Pangulo na matapos na makapanumpa ang mga ito ay agad na sisimulan nila ang kanilang trabaho.

Sinasabing  pilit na hinaharang  ng kampo ng dating pangulong Arroyo ang pagtatatag ng komisyon sa pamamagitan ni Albay Rep. Edcel Lagman na naghain pa ng petisyon sa Korte Suprema.

Ayon naman kay  Presidential Spokesman Atty, Edwin Lacierda, tiwala silang ito’y legal at tuloy ang mandato ng ko-misyon at hindi papaapekto sa anumang mga oposisyon.

Aniya, tiniyak noon ni Lagman na hindi sila sagabal sa Aquino administration pero bakit ay hinaharangan na ang lahat ng pagkilos ni P-Noy. Kung talagang malinis umano ang dating Pangulo, walang dapat ikatakot at pagtakpan sa trabaho ng Truth Commission. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply