Tsuper ng taxi ginilitan ng holdaper

KRITIKAL ang isang taxi driver makaraang gilitan sa leeg ng kanyang mga pasaherong holdaper kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasa malubhang kalagayan sa Novaliches District Hospital si  Camilo Dulot,  31, ng   #8 St. Mary st., Provident Vill., Marikina City sanhi ng laslas sa leeg.

Sa ulat ni SPOI Diosdado  Rosero, desk officer ng Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD), ang insidente ay naganap  bandang 9 ng gabi kamakalawa sa Dahlia st., tapat  ng FEU hospital.

Sinasabing sumakay umano ang dalawang suspek sa isang Manila Trans Taxi (UVC-754) na minamaneho ng biktima sa may Philcoa at nagpahatid sa Fairview.

Pagsapit sa tapat ng FEU hospital, nagdeklara ng  holdap ang mga suspek sabay  tutok sa leeg ng driver.

Pero nang pumalag ang biktima ay agad siyang ginilitan sa leeg bago isinilid sa compartment ng sasakyan at inabandona.

Nakahingi lamang ng saklolo si Dulot nang maramdamang hindi na gumagalaw ang sasakyan. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply