Tulak kalaboso

Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Anti -Illegal Drugs Special Operation Task Force(AIDOTF) ang isang tulak ng shabu makaraang isagawa ang buy bust operation sa Quezon City kahapon.

Ang suspek na nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ay si Alton Ladjaalam, Alias Al, 33, ng Lanao Street, Salaam Mosque Compound, Barangay Culiat.

Sa ulat , dakong 5:30 ng umaga nang dakpin ng nasabing operatiba ang suspek sa may tirahan nito ilang minuto makaraan ang buy bust operation .

Kumatawang buyer ng shabu si PO2 Joel Diomampo at bumili ng halagang P6,000 ng shabu.

Ayon sa pulisya, maingat na minamanmanan ng grupo ang naturang suspek dahil na rin sa mga impormasyon kanilang natanggap hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa nasabing barangay.

Nakuha kay Ladjaalam ng operatiba ng AIDSOTF ang isang plastic sachet ng shabu at dalawang piraso ng P500 na ginamit bilang marked money mula sa kabuuang P6000. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply