Tulay bumigay, 3 estudyante patay

ANTIQUE-Patay ang tatlong batang mag-aaral habang patuloy ang search and rescue operation sa dalawa pang elementary pupils na nahulog sa malalim na ilog nang maputol ang kanilang tinatawirang tulay na kahoy kamakalawa ng hapon sa bayan ng Lawaan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bangkay na nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina Juvy Espino, 11, isang Grade IV pupil; Nelibeth Aretaño, 14, Grade VI at Keith Manuel, Grade V.

Nawawala naman sina Rita Aretaño, 13, Grade IV pupil  at Margie Demetrio, 10, Grade V pupil.

Nabatid na dahil sa nagsusungit ang panahon at malakas ang buhos ng ulan ay ipinasya ng pamunuan ng Santiago Elementary School na nasa Barangay Santiago na pauwiin ang kanilang mga estudyante nang maaga.

Napag-alaman na tumatawid ang mga biktima sa improvised wooden footbridge na may habang 30 metro na  gawa sa kawayan nang bigla itong maputol dahil sa mala-kas na agos. Tumulong na rin ang mga tauhan ng Antique PNP sa paghahanap sa mga nawawalang bata. Verlin Ruiz/ Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply