Tulog na lovers tinodas

CAVITE-Hindi na nagising ang magka-live in nang makapasok sa kanilang bahay ang isang armado at paulanan sila ng bala sa kanilang higaan sa ba-yan ng Magallanes kaha-pon ng madaling araw.

Sa ulat ni Cavite Provincial Director SSupt. Danilo Lawas Maligalig, kapwa wala nang buhay ang mga biktimang sina Leonardo Agoncillo, 53 anyos, magsa-saka at Marife Billiones, 36,  nang matagpuan sa kanilang bahay sa Barangay Ramirex sa bayang nabanggit.

Nakatakas ang hindi na-kilalang salarin na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni PO1 Signo, dakong ala-1:00 ng madaling araw posibleng nakapuslit papasok sa bahay ng magka-live in ang salarin at sinamantala ang mahim-bing na pagtulog ng mga ito saka sila pinagbabaril.
Nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga nang matuk-lasan ng kapatid ni Agoncillo na si Romeo ang krimen kaya noon pa lamang naita-wag sa mga awtoridad.
Inaalam pa ng mga awtori-dad ang motibo sa pamamas-lang sa magka-live in.  Rubie Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply