Tuloy ang koleksyon sa matuwid na daan ni PNoy

TULOY ang koleksyon sa lahat ng iligal habang mainit ang sisihan sa nangyaring hostage crisis.

Nasaan na ang matuwid na daan na sinasabi ni PNoy kung tuloy ang ginagawang pangongolekta sa iligalista ng mga pagador sa National Bureau of Investigation?

Kung dati ay iligalista ang  hinuhuli ng NBI ngayon ay iligalista na ang nangongolekta para sa NBI.

Hindi ba, Kuya Atong?

Bakit si Atong ang sinusunod ngayon ni Dep. Dir. Lasala?

Lahat ng ipahuli ni Atong ay sinasakote nito pero ang palaro ni Atong na maliwanag na katarantaduhan ay patuloy na namamayagpag.

Magkano ba ang usapan?

Sinasabi raw ng korte na ligal ang palarong sugal ni Atong, pero yan ay sa loob lamang ng Cagayan Economic Zone. Bakit umabot yan sa buong Pilipinas?

Aba’y ganito ba kagago ang ating mga huwes para babuyin ang batas?
Dir. Magtanggol Gatdula, mataas po ang respeto sa inyo ng ULTIMATUM kaya’t hindi po kami naniniwala na may kinalaman kayo riyan.

Malinaw ang sinabi n’yo nang harapin n’yo kami sa Meet the Press ng National Press Club na ‘di n’yo kukunsintihin ang operasyon ni Atong, pero mukhang “non-stop” at lalo pang lumalakas ang kaileigalan nito.

Totoo po ba yung P3-M kada buwan na sinasabi ni Atong?

Kanino ho ba napupunta yan? Nagtatanong lang po!

oOo

Habang mainit sa turuan sa Manila Police District ay lalo namang umiinit ang puwet nitong si Mike Pornillos sa kaiikot sa mga iligalista.

Yan ang sumbong ng ating uzi makaraang makita nito na masigasig mangolekta itong bagong bata ni Gen. Rongavilla sa mga iligalista.

Dati na raw kolektor ng city hall itong si Pornillos pero ngayon ay pinasukan na nito pati MPD. P420,000 kada linggo ang rasyon ni Pornillos.

Hooops! Kay Ronga ba napupunta yan? Saan kaya galing yung allowance na napupunta sa mga opisyal at staff ng MPD?

Sa mga iligalista ba?

Kung sa iligalista, eh, bakit mas lumiit ang allowance nila? Yung dating P7,000 ay P3,500 na lang ngayon samantala yung dating P5,000 ay P2,500 na lang.

Hooops! Dati ay nasa P300,000 ang parating, ngayon ay naging nasa P420,000. Eh, bakit lumiit ang allowance?

Pulis na pinulis pa!

Yun bang === BUKOL!

Nakakahiya ka, DD!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text     o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply