Turismo nalugi ng P40 milyon

KUMPIRMADONG nasa P40 milyon na ang nalulugi sa industriya ng turismo sa bansa bunsod ng naganap na hostage crisis sa Quirino grandstand noong August 23, 2010.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Secretary Alberto Lim ng Department of Tourism sa deliberasyon ng alokasyon ng nabanggit na ahensya sa iallim ng House Committee on Appropriations.

Iniulat ni Lim na mula August 24 hanggang September 10 ay nasa 3,670 na mga turista na ang nagkansela ng kanilang bookings at hotel accomodations.

Pinakamatinding naapektuhan ang Region 1, 4, and Boracay sa Region 6 at Bohol sa Region 7.

Ngunit sinabi rin ng kalihim na hindi muna nila susuyuin ang mga turista mula sa Hongkong at China habang mainit pa sa imbestigasyon at usapin sa naganap na malagim na hostage crisis.

Makabubuti kung itutuon muna ng departamento sa bagosng tourism market kagaya ng Russia at Middle East gayundin ang iba pang target sa maging tourist source ng Pilipinas.

Nanindigan si Lim na marapat lamang ang ‘open skies policy’ o pagbubukas ng aviation industry ng bansa sa ibang airlines upang maserbisyuhan ang maraming ruta na kulang pa sa flights.

Iniulat din ng kalihim na target ng gobyerno na makaabot sa anim na milyon ang turista sa bansa hanggang sa 2016.

Ipinaliwanag ni Lim na malaki ang bentahe ng open skies policy dahil lumilikha ito ng kumpetisyon na nagpapalakas  sa aviation at industriya ng turismo.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply