Turismo sa RP bumagsak sa hostage drama

SOBRA ang naging epekto sa turismo ng Pilipinas at HongKong ng katatapos na hostage crisis sa Maynila noong Agosto 23.

Ayon sa report, nalathaka sa buong mundo ang pagkasawi ng walong Hong Kong tourists at ang galit ng mga ito sa mga Pinoy, kaya umiiwas na rin sa Hongkong ang mga turista tulad ng mga  Singaporean, Thai, Indonesian at Malaysian na may pagkakahawig ang features sa mga Filipino.

Takot umano ang mga ito na mapagbuntunan ng galit ng mga HongKong nationals.

Ayon sa Hong Thai Travel Services, posibleng abutin ng isang taon bago makarekober ang kanilang kompanya.

Ang Hong Thai Travel ang nag-organisa ng tour ng mga Hong Kong tourists na hinostage ni dating S/Insp. Rolando Mendoza sa Luneta dalawang linggo na ang nakaraan.

Isa ang nasabing Travel agency sa pinakamalaking outbound tour agencies sa Hong Kong.

Posible umanong bumaba ng 10 hanggang 20 percent  ang kanilang bookings para sa Pilipinas ngayong taon.

Maging  ang airline bookings ay apektado bunsod ng travel warning ng Hong Kong sa Pilipinas kasunod ng malagim na hostage-taking. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply