Twice-to-beat bonus sa FEU at Ateneo

NADAGIT ng Ateneo Blue Eagles ang ikalawang semifinal slot at ang bonus na twice-to-beat kasunod ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP season 73 seniors basketball tournament.

Sa pagtatala ng 10-3 slate, muling ipinamalas ng Loyola-based cager ni coach Norman Black ang pangingibabaw nila sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa pagrerehistro ng 81-77 panalo.

Nabuo na ang lineup ng semifinalists na kinabibilangan ng FEU, Ateneo, Adamson at ng De La Salle University.

Dinurog ng Tamaraws ang UP Fighting Maroons sa naunang laro sa iskor na 70-48 para sa sariling 11-2 slate. Ang pinakamababang 1st quarter score na 8-7 pabor sa Diliman cagers ay isang record low ngayong season.

Ang tatlong players ni coach Glenn Capacio na sina Ryan Roose Garcia, Aldrech Ramos at Reil Cervantes ay pawang mga kandidato sa mythical 5 samantalang si RR Garcia ay nakalalamang sa most valuable player race habang ang rookie of the year honor ay nakapunto kay Terrence Romeo.

Si Eric Salamat ay pumuntos ng 18, na dinagdagan ni Christian De Chavez ng 12 at 11 points ni Justine Chua.
Ang iskedyul ng mga laro sa Huwebes sa Big Dome ay ang bakbakang UST Growling Tigers at National University Bulldogs na susundan ng Green Archers kontra Adamson Falcons.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply