Twice-to-beat bonus sa Red Lions

PINASABOG sa sariling bomba ang Jose Rizal Heavy Bombers ng patuloy na pagsalida ng San Beda Red Lions sa pagkabig ng malinis na 14-diretsong panalo sa 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Dinomina ng Mendiola-based team ni coach Frankie Lim ang Laro sa simula ng 1st quarter tungo sa malaking panalo, 78-46.

Ang panalo ay katulad ng nairehistro nilang pinakamahabang pamamayagpag noong 2006, na lumagot sa 28-taon nilang pangangapa.

Ibinalandra ng Red Lions ang Heavy Bombers sa pinakamababang 15 field goal output.
Ang 32 points na itinambak ng San Beda ay ang pinakamalaking bilang na pagkatalo ng Mandaluyong quintet.

Kumamada si Lion Garvo Lanete ng 23 habang si Rome dela Rosa ay sumiyut ng 13 at ang nagbabalik laro na si Borgie Hermida na lumiban ng dalawang laro ay nag-ambag ng 10.

Sa panig ng Jose Rizal ay walang nakapagrehistro ng double-digit points na ang pinakamalaki ay ang 8 puntos ng sentrong si John Montemayor.

Isang magandang laro ang ipinamalas ni MVP candidate Calvin Abueba na kumana ng kanyang pang-11 double-double game sa kasalukuyang season na 27 points, 15 boards, 4 assists at 2 blocks na naghatid sa 13-1 panalo-talong slate para sa defending champions na nanalo sa Cardinals, 85-76.

Nabigo namang makasingit ang Mapua Cardinals sa semifinals dahil sa pagkatalo. Dalawa pang panalo ang hangad naman ng San Juan de Letran Knights para makalaro ang Cardinals sa huling semifinal slot. RT

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply