Ulat-IIRC: Witchhunt brief

NAGSISIMULA nang umigting ang kontra-opinyon sa rekomen-dasyon ng Incident Investigation Review Committee (IIRC) na sampahan ng mga kasong kri-minal at administratibo ang l3 kataong  tinukoy nila sa kanilang Report kay PNoy.

Ang nasabing report – na hindi pa naman pala final dahil nga sa rerepasuhin pa ng mga abogado ng Malacanang – ay isang ‘di ordinaryong ‘witchhunt brief’.

Hindi malayong mas aani ng batikos kaysa papuri ang report, at ang isang dahilan ay ang kanyang pagiging di pangkaraniwan.  Saan nga naman tayo makakakita ng isang fact-finding investigation report na yun pang naging resource persons mismo na nagbigay ng vital information at datos sa ikaliliwanag ng kaganapan ang itinuturong may malaking kasalanan/pananagutan sa pangyayari!

Ito’y sa kabila ng kawalan ng   kongkretong batayan/pamantayan sa naging konklusyon ng IIRC ukol sa layabilidad ng mga tao/media stations na inimplika/idinawit nito.

Noon kasing naganap ang krimen wala pa namang  maliwanag, komprehensibo at coordinated na crisis committee rules/manual na   susundin ng kahit sinong  opisyal at/o crisis management team na bubuuin upang rumesponde sa anomang crisis situation.

Ito ang hindi nakita ng IIRC: ang  mga kakulangan sa wastong pag-responde sa hostage situation ay bunga ng INEPTNESS at KAPABAYAAN ng nakaraang administrasyon ni PGMA.  Di dapat sisihin dito ang 13 katao at ilang media establishment na tinukoy sa report ng IIRC.

Naisulat na rin natin nitong nakaraang isyu na malabo rin ang legal at ethical parameters tungkol sa nararapat/akmang galaw ng media kaugnay ng pag-cover nila sa insidente.

Maaaring may pagkukulang ang kani-kanilang self-regulatory rules. Pero kung meron mang akmang sanctions dito, ito ay INTERNAL lang sa media practitioners/establishments at hindi actionable, either criminally or administratively,  in the sense that  it was unfortunately  understood in the IIRC report.

Ang dapat na inimpasays ng IIRC ay kung papano mag-formulate ng kaukulang patakaran/pamamaraan aimed at  improving the response capability of our crisis committees nang hindi na maulit pa ang madugong insidente.

Hindi yong basta magtuturo,  nang walang matibay na basehan ng supposedly may mga kasalanan at magrekomenda ng kaukulang aksyon/kaparusahan laban sa kanila.

Aminado tayong si Sec. De Lima ay isang bar topnotcher at mahusay na abogada. Ngunit ‘di siya nakilala bilang outstanding criminal law practitioner, tulad nina Jose W. Diokno, Dean Leandro Coronel o Rudy Jime-nez. Isang batikang election lawyer siya.

Ang ibang miyembro ng IIRC ay wala namang creden-tials bilang exceptional/outstanding trial lawyers o investigators. Di kaya naka-impluwensya ang collective background na ito sa paghubog ng IIRC na Report?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply