Ulo ng driver nabiyak sa itak

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang pintor matapos tagain sa ulo ng kapitbahay nitong driver, sa Antipolo,City.

Kinilala ni Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, na ang nasawi ay si Cesar Asuncion, 47anyos, ng Siete Medya, Brgy. San Isidro habang ang tumakas na suspek matapos ang insidente dala ang ginamit na itak ay si Elmer Niegas.

Naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa, habang ang biktima ay nakikipag-inuman sa kaibigan nitong si Reynaldo Matoza sa Sitio Oreta nang dumating ang suspek na may dalang itak, at kaagad siyang hinggil sa matagal na nilang alitan.

Habang nagtatalo ang biktima at ang suspek ay minabuti ng biktima na umalis na lang subalit pagtalikod  ay bigla itong tinaga ng huli na tumama sa ulo na halos mabiyak ang bao  na naging dahilan nang maaga nitong kamatayan.Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply