Umawat sa away kinadyot

NASA kritikal na kalagayan ang isang lalaki matapos saksakin ng inawat sa away, kahapon ng madaling araw, sa Valenzuela City.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Luvinario Garciano, 27, ng Sitio Kabatuhan, General T. de Leon ng nabanggit na lungsod, habang nadakip naman si Benedicto Mojillo, 25, at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nakaaway ng suspek ang kalugar na si Julius Deloria malapit sa bahay nito, at nang sasaksakin ng suspek si Mojillo ay nakatakbo ang huli.

Nagsumbong sa mga pinsan si Deloria at binalikan ang suspek subalit bago magpang-abot ang magkabilang panig ay inawat ng biktima.

Nagalit ang suspek kay Garciano at ito ang pinagbalingan saksakin na naging dahilan upang dalhin sa VGH habang nadakip naman si Mojillo ng pulisya. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply