University belt bantay sarado ng MPD

MAHIGPIT na binabantayan ng Manila Police District (MPD) ang palibot ng university belt hinggil sa maaring pagsiklab ng kaguluhan ng mga magkakalabang fraternity kasunod sa naganap na pagsabog sa harapan ng De la Salle University (DLSU) noong huling araw ng Bar Examination.

Sinabi ni Chief Insp. Erwin Margarejo, spokesman ng MPD,  na minomonitor nila ang university belt area upang maiwasan ang kaguluhan, kasunod sa naganap na pagsabog.

Kaugnay nito, sinabi naman ni MPD Officer-in-Charge Roberto Rongavilla, na nagpakalat na sila ng mga kapulisan sa lugar upang mamintena ang peace and order situation sa lungsod.

Ayon pa kay Rongavilla, na hindi sila nagkulang   sa seguridad simula nang unang araw ng Bar Exam.

PInayuhan naman si Margarejo ang mga mamamahayag na maging responsible sa pagbibigay ng impormasyon upang hindi makalito sa sitwasyon.

Nagpahayag din ito sa mga leaders ng fraternity na umiwas sa gulo laban sa iba pang fraternity.

Magugunita na umabot sa 44 katao ang sugatan nang may maghagis ng pampasabog sa harap ng De La sale University sa huling araw ng Bar Exam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply