Vendor, sinaksak ng 15 anyos, patay!

TULUYAN nang namahinga ang isang vendor makaraang pagtripan saksakin ng isang binatilyo habang natutulog sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Tito de Pedro, binata, vendor, nakatira sa 154 Magtanggol st., Brgy. 29, ng naturang lungsod, habang ang suspek ay itinago sa pangalang “Norlan”, 15-anyos.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Joselito Barredo, nadiskubre ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing address.

Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang live-in partner na si Pilita Tamayo, dakong 1:00 ng madaling araw na natutulog sa upuan at  pagsapit nga ng madaling araw ay nakita nito ang bangkay ng kinakasama na tigmak ng dugo ang buong katawan gayun dinang suspek na puro dugo ang kanang kamay at lumapit sa ina nito habang nagsusugal.

Lumitaw na bago ang insidente ay sinaksak ng suspek ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kasama ang ina nito patungo sa hindi pa nabatid na lugar.

Sa cursory examination ng Scene of the Crime Operatives sa bangkay, ang biktima ay nagtamo ng dalawang malalim na saksak sa kaliwang leeg. Jun Samson/Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply