Vice Ganda hindi iiwan ang ‘Showtime’

INAMIN ng itinuturing na pinakasikat na gay sa showbiz sa kasalukuyan na hindi niya kayang iwan ang kanyang noontime show.

Sinabi rin ni Petrang Kabayo (launching movie ni Vice),  ang pinakasikat na kabayo sa mundo  na nagtatampuhan din sila ng kanyang talent manager na si radio host/entertainment columnist Ogie Diaz.

Maraming beses na at lalong nagpapatibay ito ng totoo nilang pagkakaibigan. Closed kasi ang dalawa eversince kaya alam ang ugali ng bawat isa.

Ilan lang ito sa aming napag-alaman sa sikat na stand-up comedian na ngayon ay bagong endorser ng Globe Prepaid SuperAll Txt 20 sa loob ng isang araw sa halagang P20 ay makakapag-text ka hanggang 200  of your friends on all networks. Ganu’n din sa SuperUnli Txt 20.

Yes, may nag-text, si Vice ay ka-level na ni Sarah Geronimo?

Ani Vice, bilang endorser ng Globe. Yes, ang mga katagang ‘may nag-text’ ay trade mark phrase ni Vice. Ang naturang trademark ay walang bayad, ang kanyang talent fee lang ang binayaran. Pumirma siya ng dalawang taon.

Si Vice Ganda ang kinuhang endorser dahil sa kanyang  wit and humor at may malawak na appeal sa masa sa buong kapuluan. Ayaw na sana niyang maging hurado, gusto na niyang magpahinga pero may kumpromiso siya sa mga manonood.

Samantala, ipinagkaila ng sikat na komedyante ang chika na muli itong aalis sa noontime show na “Showtime” kung saan isa siya lang ang regular na hurado.

Sinabi ni Vice na totoong gusto sana niyang tumungo ng Amerika upang alagaan ang kanyang lolang na-stroke. Laking-lola kasi si Vice. Malungkot na sinabi ni Vice na hindi siya matutuloy patungong Tate dahil sa kanyang mga commitment. Nilinaw pa ni Vice na hindi niya kayang iwanan ang “Showtime” dahil family na ang turing niya sa mga kasamahan sa show!

MAGKARIBAL , CONSISTENT TOP  RATER!

Walang duda na ang “Magkaribal” ang paboritong panoorin ng buong Pilipinas gabi-gabi! Sa latest survey na inilabas ng Kantanar Media/TNS, pumalo ang rating nito sa 27%.

Ang “Magkaribal” ay isa sa consistent top rater sa primetime race. Inulan din ng magandang review ang production value ng “Magkaribal.” Dagdag pa ang mahusay na pagganap ng mga leadstars nito sa pangunguna nina Gretchen Barretto, Angel Aquino, Derek Ramsay, Erich Gonzalez, Enchong Dee at Bea Alonzo.

“Makikita mo talaga ang major major effort na pagandahin ang “Magkaribal.” Maganda ang texture at sosyal ang set design. Credit should also be given to the director for a well-crafted  series,” ang iisang sabi ng mga taong sumusubaybay sa teleserye.

Kasama din sa powerhouse cast sina Robert Arevalo, at Bianca Manalo.  Sa direksyon nina Nuel Naval at Mae Cruz.

PAGLIPAT NG NETWORK, GIMIK LANG NI SARAH GERONIMO

GIMIK lang daw ang paglipatlipat diumano ni Sarah Geronimo sa dati nitong network para raw mapansin ang bago nitong show sa Kapamilya, ang Idol.

Ayon naman sa ating tsismosang kapitbahay, wala na siyang puwesto sa Kapuso kung sakaling nagpa-plano na lumipat itong Pop Star sa kalabang network.

Kumalat ang isyu na lilipat na raw itong si Sarah sa ibang network at for sure na Kapuso ang napipisil niya kung sakaling lilipat ng himpilan.

Eh, kaso mo nga, sabi ng mga katkate-rang tsismosa kong kapitbahay, malabo na ipagsiksikan pa ni Sarah ang kanyang sarili sa Kapuso dahil no vacancy daw pag lumipat itong si Sarah. Napakarami na rin ng talents sa Kapuso.

Kinumpirma ng kampo ni Sarah na wala naman daw siyang pla-no sa paglipat at paano daw mangyayari ‘yun ay may upcoming TV show  nga daw siya together with Sam Milby, kitam, di ba? Kaya isang malaki at malinaw na kagimikan lang ng kampo ni Sarah ang paglipat sa ibang network.

Ang tanong! Umepekto naman kaya itong gimik na ito ni Sarah?. Kung lilipat man sakali ang Pop Star at isa lang naman ang masa-sabi ng aming tsismosang kapitbahay sa pagsasabing walang akante para kay Sarah.

‘Yun na! Abangan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply