Vice Ganda umaming minsan ding nag-‘damo’

MALIGAYA si Vice Ganda sa kanya ipinagkatiwala ng Viva Films ang Petrang Kabayo, na nagsisilbing launching movie niya. More on excitement keysa kinakabahan ang byuti niya sa naturang  light comedy/drama movie.

Pinatunayan dito ni Vice na hindi lang siya isang magaling na stand-up comedian/TV host kundi isang mahusay na actor.

Ayon kay direk Wenn Deramas, totally raw bago ang istorya maliban lang sa titulo. Unang ginampanan ito Roderick Paulate.

Bago raw gawin ni direk Wenn ay tinawagan nito ang nobelistang may-akda ng “Petrang Kabayo” na si Pablo Gomez, pabor siya na si Vice Ganda ang gagawa nito sa bagong henerasyon.

KUYA DICK AYAW NANG GUMANAP NA BAKLA?

Tinawagan din ni direk Wenn si Roderick para lumabas na Diyosa ng mga Kabayo pero tumanggi si Kuya Dick dahil kapapanalo lang niya bilang konsehal sa 2nd district ng Quezon City . Bilang respeto hindi na lang pinilit ni direk Wenn si Konsehal Dick para sa naturang papel.

NA-TORTURE SA LAUNCHING MOVIE

Sa “Petrang Kabayo”, feeling ng mahusay na stand-up comedian/TV host na na-torture siya. Ayaw na ayaw na raw niyang gagawin muli ang pagpapalupot sa kanya ng sawa.

Sa isang eksena kung saan pupuluputan ng ahas si Vice Ganda. Akala niya maliit lang na ahas ‘yun pala ay sawa.

Yes, nandidiri ang byuti niya sa slimy skin ng ahas. Ayaw na ayaw niya kahit anong pilit sa kanya ni direk Wenn. Inabot nang siyam-siyam ang shooting ayaw pa rin nag alaga ni Ogie Diaz.

Pero napagtanto ng pinakabagong komedyante sa pinilakang tabing ang kapaguran ng  cameraman, crew at iba pa sa produksyon kaya pumayag na rin si Vice. Pinagbigyan niya ang mga ito dahil sa kanyang professionalism.

Sa unang take, ordinaryong ahas lang pero sa re-shoot, sawa na!

Alam n’yo bang natakot ang sawa sa pagpulupot kay Vice? Dahil  mas malaki pa raw ang ulo ng ‘sawa’ ni Vice nang ma-touch ng sawa ang ‘sawa’ ni Vice. Tawanan sa presscon na ginanap sa City Best-T. Morato, Kyusi.

Sa “Petrang Kabayo” kasama rin sina Luis Manzano, Candy Pangilinan,  Sam Pinto, DJ Durano, Joy Viado, John Arcilla at Makisig Morales with special participation of Eugene Domingo. Palabas na sa Oct. 13. nationwide. Meron ding premiere night sa 10-10-10 sa SM Megamall Cinema 10, 7 p.m.

Samantala, inamin ni Vice Ganda nu’ng kabataan niya minsan din siyang gumamit ng ‘damo’. ‘Ika nga trip-trip lang. Noon ‘yun! Tingnan N’yo/Joe Cezar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply