Vice Ganda, walang kinalaman sa awayan nina Toni at Mariel

INSEKYURADA at may takot factor daw ang  sikat na aktres na maagaw ang kanyang boyfriend.  Ganun na lang ang pang-ookray niya sa isang starlet.

Kung hindi kasi gagawa ng hakbang ang sikat na aktres at ipaglaban ang kanyang boyfriend, baka ‘yung‘starlet’ na ang katapat niya at  karma.  Alam niya na madaling maagaw  ang boyfriend niya dahil inagaw lang naman niya ito sa isang singer-actress.

‘Yun na!

-0o0-

Pinabulaanan ni Vice Ganda na siya ang nagsumbong kay Toni Gonzaga ng mga pang-ookray at pamimintas ni  Mariel Rodriguez sa  magaling na tv host.

“Mas close ako kay Toni. Naging close din ako kay Mariel pero alam naman ni Mariel na mas close ako kay Toni. Si Toni at si Anne Curtis ang dalawang babaeng bestfriend ko sa showbiz,” bulalas niya nang makapanayam  siya sa presscon ng kanyang launching movie na ‘Petrang Kabayo’ na ipapalabas sa October 13 at may premiere night sa October 10 sa Mega Cinema 10.

“Bilang kaibigan na-hurt akong makita si Toni na umiiyak. Sa The Buzz nung umiiyak siya, umiiyak din ako,” dagdag pa niya.

How true na pinabasa niya ang text ni Mariel against kay Toni?

“Sino ba ang nagsangkot sa akin diyan? Ay! Hindi ako ang nagpakita ng text, dahil wala naman akong text na ipapakita.

“May alam ako. Oo. Meron akong alam pero hindi ako ang mitsa ng lahat. Kung anuman ang nangyari sa kanilang dalawa, ginawa nila sa isa’t-isa yun. Wala akong kinalaman.

“Ang tanging kinalaman ko lang, e, ipinaalam nila sa akin yung mga nangyayari sa kanila… Nakinig ako sa mga kinukuwento nila sa akin, pero hindi ako nagsumbong kay Toni,” aniya pa.

Ayon sa aming source, nadamay na lang si Vice sa isyu dahil mga barkada niya ang nagparating din kay Toni. Pero ang unang pinagmulan daw nito at nagsumbong  ay isang young actress na may sariling tv show.

“Katulad ngayon, yung pagsasalita ngayon, lalaki ‘to, nararamdaman ko, e. Oo, pero gayunpaman, may alam ako pero wala akong sasabihin.”

Ano ang payo niya ngayon kay Toni?

“Marami, marami akong binigay sa kanya. Marami kaming napag-usapan, katulad ng ano, kilalanin ang mga kaibigan—yun, lagi namin napag-uusapan yun.

“Na hindi naman kinakailangan talagang maraming kaibigan. Mahalin yung mga kaibigan, yung mga alam mong kaibigan mo na totoo sa ‘yo.”

Napadako ang usapan namin sa  launching movie ni Vice. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala.

“Parang ang bilis ng mga pangyayari,” sey pa niya.

Ang ‘Petrang Kabayo’ ay minana ni Vice kay Roderick Paulate. Pero ayon kay Direk Wenn Deramas tinanggihan ni Roderick na mapasama sa naturang pelikula at maging  Diyosa ng mga Kabayo dahil kapapanalo lang daw niyang konsehal ng QC. Stop muna raw siya sa ganoong role lalo’t karespe-respeto ang image niya ngayon.

Ni-request din daw ni Vice ang love niyang si Jon Avila na makasama sa ‘Petra’ pero nagkaroon daw ng conflict at hindi raw pinayagan ni Direk Wenn.

Kasama sa pelikula sina Luis Manzano, Candy Pangilinan, Sam Pinto, Deejay Durano, Joy Viado, John Arcilla at si Makisig Morales.  Special participation naman si Eugene Domingo.

Tamaaaa!

STAR FACTOR HOPEFULS, INILUNSAD NA NG TV5

Walang naganap na tsugihan nu’ng Sunday sa 18 Star Hopefuls ng kauna-unahang reality-based star search ng TV5  entitled Star Factor.

Nakilala namin at nakatsikahan  nu’ng Sabado ang 18  produkto ng artista search ng Singko na sina Christian Samson, Christine Serrano, Claire Ruiz, Clint Gabo, Eula Caballero, Gail Garcia, Jazz Ocampo, John Uy, Kevin Francisco, Krissha Viaje, Kyru Sri, Mav Lozano, Miguel Estenzo, Morissette Amon, Nikita McElroy,  Paul Montecillo, Rico Dela Paz at Ritz Azul.

Base sa interbyu namin sa mga bagets, mahigpit nilang kalaban  ay si Christian Samson at may character daw si Nikita McElroy.

Sa mga judges o Star Makers na  binubuo nina Anabelle Rama, Audie Gemora, Direk Joey Reyes, ace photographer Raymund Isaac, music maestro Ryan Cayabyab, kay Tita Annabelle sila takot dahil sa pagiging prangka nito.

Napanood namin ang ilang komento ng mga Star Makers  at natatawa talaga kami at naloloka pag si Tita Annabelle na ang nagsasalita dahil walang pakialam. Sasabihin niya talaga kung may pag-asa ka o wala. Kung may dating ka o wala.

Sa ngayon, lahat ng 18 Star Hopefuls ay umaasam na  makasama sa Top 12 finalists and eventually ay manalo lalo na’t malaki ang maitutulong sa family niya ng premyong P1 million cash, a TV5 management contract worth P1 million at pati house and lot.

Mapapanood ang  Star Factor, hosted by Ruffa Gutierrez, tuwing Linggo, 5:30 p.m. sa TV5, pagkatapos ng Aksyon Weekend.

-0o0-

Congrats sa bumubuo ng ‘Banana Split’  ng ABS-CBN 2 dahil  umabot na ito  ng dalawang taon.  Matibay  ang cast na binubuo nina Angelica Panganiban, Pokwang, RR Enriquez, Jayson Gainza, John Prats,Pooh atbp.  Kinunan ang  kanilang anniversary special sa Baguio City kung saan ay nag-stay sila sa Baguio Country Club. Magsisimula itong mapanood sa Sabado, 11 p.m., Sept 25  at ganoon din sa  Sept 27 to Oct 1, 2010 para sa Banana Split Daily Servings.

May tatlong dance prods na kinunan sa Baguio, namely- Barrel dance at Wright Park, Dance at Burnham Park by the view deck at lagoon area, flashmob dance at Baguio National High School (pinagkaguluhan sila ng mga students) . Maya bagong segment ding mapapanood na Kaalamang Nakakahibang with Ryan Bang-trivias about Korea with punchlines delivered by Ryan Bang himself
Of course, nandiyan pa rin ang Show it and Huwag kang Lilingon games.

Talbog! Xtreme/Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply