Vice Mayor nahuli sa baril

DINAKIP ng mga tauhan ng Batasan Police Station ang vice mayor ng Rodriguez, Rizal makaraang mahulihan ng baril sa isang check point sa Quezon City..

Sa ulat ni Supt. Marcelino Pedroso kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Benjardi Mantele, nakilala ang  naaresto  na si Vice Mayor Jonas Cruz ng Rodriguez, Rizal.

Sinasabing si Vice Mayor Cruz ay nahulihan ng .9mm nab aril nang parahin ang minamaneho nitong sasakyan na Nizzan Urvan, na may plakang NBQ-608, sa check point  sa may Gravel Pit corner Molave st., Brgy. Payatas, dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Bukod sa baril, nakuha rin ang isang magazine na may  sampung bala na itinago sa sahig ng sasakyan.

Gayun pa man, kaagad na ipinakita ng bise alkalde ang mga kaukulang permiso  ng baril  na may expiration date na Mayo 22, 2010 at  wala maipakitang gun ban exemption ng hanapin ng mga  awtoridad.

Nabatid na paso na ang permiso ng baril  at nilabag ng bise alkalde ang ipinatutupad na batas  ng Comelec sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Pedrozo, sinampahan nila ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code si Cruz ngunit pansamantalang pinalaya sa pamamagitan ng rekomendasyon ng piskalya. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply