Vina, pananagutin ang nagsimula ng intriga sa kapatid at kay John Lloyd

ANG TSIKA ng “penis captivus” at “vaginanismus” nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz ay nataon sa pagsisimula ng soap opera sa ABS-CBN.

Maliwanag na biktima ngayon ng malisyosong balita sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz kahit pa sabihing mapag-uusapan ang pagbubukas ng “Alyna” sa ABS-CBN na pinangungunahan ni Shaina.

Hindi namamatay ang ulat na nagkaroon ng “penis captivus” si John Lloyd at “vaginanismus” si Shaina nang dahil sa umano’y pagtatalik na sekswal ng dalawa.

Ang “penis captivus” ay isang sitwasyon kung kailan ang ari ng isang lalaki ay naipit sa ari ng babae kaya naman ito ay may “vaginanismus.”

Ayon sa siyensiya, nagsisikip ang ari ng babae sa panahon ng pagtatalik sa lalaki at naiipit ang ari ng lalaki sa loob at matatagalan na hindi mabubunot ito hanggang hindi lumuluwag ang pagkakapinid ng sa babae.

Pero ayon sa mga tala ng agham, hindi ito pangkaraniwang nagaganap at kakaunti lang ang nagkakaroon nito.

***

Mahigpit na itinanggi ng Star Magic ang malisyosong balita at sinabing isang malalang kasinungalingan lamang ito.

Paano anang Star Magic magkaroon ng pagkakataon sina Magdayao at Cruz na mag-ulayaw samantalang kapwa abala ang dalawa sa kani-kanilang opisyo, na ginatungan ng ibang intrigero at inrigera na nagkakaroon ng pagtatalik ang dalawang tao kung sila ay nasa gitna ng tensyon kaya lalong lumalala ang kaso ng “penis captivus” at “vaginanismus.”

Nagpahayag na rin si Boy Abunda ng kanyang depensa sa kainosentehan ni Shaina at sa kawalan ng katotohanan sa naganap sa kanila ni Lloydie.

***

Nakakaawa si Shaina dahil napakabata at napakamusmos pa para maisalang sa ganitong karuming intriga.

Naaalala pa namin nang siya ay naabutan naming naglalaro sa kanilang bahay sa may Intramuros Village isang umaga at ang kawalang muwang ay nakasulat sa kanyang buong katauhan. Ngayon naman ay heto ang malaswang balita tungkol sa kanya.

At si John Lloyd naman ay isang maginoong aktor na napakalinis ng imahen kundi ang kanyang pag-aartista lamang.

***

Sa St. Luke’s Medical Center umano nagpadala sina Shaina at Lloydie nang maganap ang nakakahiyang insidente pero wala namang makapagpatunay na tunay ngang nangyari ‘yon.

May nagsasabi namang sa Asian Hospital and Medical Center nagpunta ang magkasintahan para magawan ng paraan ang maiskandalong pangyayari.

Gayunman, kailangang sarhan na ang kabanatang ito ng buhay ng batang aktres. Ito ang kabayaran ni Shaina sa kanyang pag-aartista at pagsikat pero napakawalang-awang pagbibintang.

Nataon pa naman na ang ulat na ito ay kasabay halos ng kanyang pagbibida sa “Alyna” na magbubukas sa Lunes.

***

Kahit na mahal na mahal ni Magdayao si Cruz ay hindi ito dapat maging daan para masadlak ang bituin sa isang masamang panaginip at bangungot na katotohanan ng magulo at maiskandalong showbiz.

Pero dahil mahal na mahal si Shaina ng kanyang mga kaanak lalo na ni Vina Morales, tiyak na ito ang pangunahing tagapagtanggol ng kapatid na bunso.

Ipaglalaban ni Vina ng patayan ang kapakanan ng kanyang kapatid kaya lagot ang mga nagsimula ng mga intrigang ito.  Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply