Virgin Coconut oil industry mamamatay

Nagpahayag ng pangamba kahapon ang pinuno ng Philippine Coconut Authority na maaaring tuluyan nang mamatay ang industriya ng Virgin Coconut Oil sa Pilipinas kung hindi magagawan ng pananaliksik ukol sa tunay na health benefits nito.

Sinabi ni Oscar Garin, tagapangasiwa ng PCA, na hanggang ngayo’y wala pa talagang napatutunayang medical benefits ang VCO kaya malamang na mawalan ng tiwala sa produktong ito ang mga consumer.

Sa ngayon umano’y puro pananaliksik ng ilang mga siyentipikong naniniwala sa VCO at ilang anecdotal testimonies lang ang pinanghahawakan ng mga nagbebenta subalit ‘di pa napatutunayan ng clinical studies.

Wala pa rin umanong masasabing matatag na basehan ang mga claim na tulad ng nakagagamot ito ng HIV/AIDS, mayroon itong anti-microbial properties tulad ng sa gatas ng ina, o kaya naman ay nakapagpapababa ito ng cholesterol.

Dahil dito, nanawagan si Garin sa mga manufacturer ng VCO na tulungan ang PCA at simulan na ring magsagawa ng kanilang sariling pananaliksik kaalinsabay sa mga ginagawa ng kanilang tanggapan upang matiyak na masigla ang industriya. Jayzl Nebre

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply