Wala akong karapatang magreklamo–Vice Ganda

TAHASANG sinabi ni Vice Ganda, bidang aktor sa launching movie nitong Petrang Kabayo ng Viva Films na showing na ngayong October 13 nationwide, na hindi siya napapagod sa pagratsada ng kanyang showbiz career ngayon. Ayon kay Vice,pinangarap niya ito at hindi kailanman magre-reklamo!

“Wala akong ibang hiniling sa itaas na sana, kung anumang blessings meron ako ngayon, kung anuman itong ibinigay niyang trabaho sa akin ngayon, sana, tuloy-tuloy siya! Kapag mahal mo ang trabaho mo, bilang isang host ng Showtime araw-araw,bilang isang artista na rin,wala kang karapatang magsabi na pagod na ako or mag-reklamong masakit ang ganito at ganoon ko! Kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo, kailangang nandiyan din ang galing mo bilang isang artista dahil ‘yan ang puhunan mo na inaasahan din sa iyo ng mga taong nagbigay ng kanilang tiwala sa iyo! Tao lang din tayo at natural nakakaramdam ka rin ng pagod, pero, never akong nagreklamo!” bulalas sa amin ni Vice Ganda nang makausap namin ito.

Ano naman ang kanyang reaksiyon sa mga nagsasabing mas maganda pa rin daw ang naunang version noon ni Roderick Paulate para sa Petrang Kabayo?

“Oo naman! Sa lahat naman ng bagay, iba pa rin ang orihinal.Nirerespeto ko po kung yan ang sinasabi nila at ako naman po ay napagbigyan lang ng pagkakataong gawin muli ang pelikulang ito at yun din naman ang ipinagpapasalamat ko sa mga taong nagbigay ng kanilang tiwala sa akin kaya naman po  ibinigay ko naman po lahat ng makakaya ko upang maging maka-totohanan ang pelikulang ito, upang maging maganda na papanoorin talaga ninyo dahil kakaibang pag-atake rin naman ang ginawa ko para sa Petrang Kabayo.” litanya pa nito.

ROBIN AT MARIEL, DI MAGTATAGAL

Kung hindi pa umalma ang mga kapatid na Ibaloi sa Benguet nang i-deny nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang kanilang pagpapa-basbas sa naturang tribo ay hindi pa ilalabas nina Robin at Mariel ang katotohang ikinasal na nga sila sa India.

Hindi ba’t marami na ang nakaramdam at nagsabi noong ikinasal na nga ang dalawa sa India subalit hanggang sa dumating sila ng Pinas that time ay super-deny pa sila! Kung tutuusin ay muntikan nang bumagsak sa bangin ang dalawa kung hindi agad sila nakapag-responde sa dahilang nagiging NEGA na sila sa kanilang ginagawa!

Umamin man ang dalawa sa kanilang relasyon,karamihan ng mga taong aming nakakausap ay nagsasabing hindi rin daw magtatagal ang relasyon nina Robin at Mariel!

Hindi raw kasi naging honest ang magkasintahan sa publiko lalo na nung umusbong ang isyung denial sa naganap na kasalan sa Baguio at India kasabay pa ang isyung awayan at hindi pagbabatian nina Mariel at Toni Gonzaga na dating matalik na magkaibigan!

Ayon pa sa isang fan,kapag hindi raw kayang tapusin ni Mariel ang isyu sa kanilang dalawa ni Toni, magdudulot daw ito ng kakaibang epekto o karma sa pagmamahalan nila ni Robin Padilla! Tama kaya o mali? (Tamaaaaa!—ED). Dominic Rea

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply