Walang imposible sa MWSS; lugi na sila nagkaka-bonus pa

Nagkandalugi-lugi ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System noong 2008 sa halagang P3.5 bilyon.

Pero pagpasok ng 2009, pinaulanan ng mga opisyal ng MWSS ang kanilang mga sarili ng mga katakot-takot na bonus.

Kumita ba ang MWSS kaya naisipan ng mga walang konsiyensiya riyan na bahain ang kanilang mga sarili ng milyon-milyong bonus bawat isa?

Tsk! Tsk! Tsk!

Noong 2009 lamang, halos P400 milyon ang ipinagbubulsa nilang mga bonus, per diem sa pagdalo sa board meetings at kung ano-ano mga benepisyo.

Paano ang mga nakaraang taon, kumita rin ba sila ng ganyang kalaking halaga?

Heto pa.

May utang pala na P258M dibidendo ang MWSS sa pamahalaan pero wala silang maibigay kundi kalahati lamang.

Heto pa.

Hinarang ng Commission on Audit ang P156M sa 242M na bahagi ng budget ng MWSS pero umapela ang mga magagaling diyan sa MWSS.

Para naman makaiwas sa talim ng palakol ang mga ito, sinasabi nilang gagawin nilang pito na lang ang 25 bonus nila para makatipid ang MWSS ng P179M.

Ano ba yan!

Kaya pala nagkakakrisis-krisis tayo sa tubig.

O P-Noy, may sapat na yatang basehan para pagsisibakin ang mga naririyan sa MWSS.

Dapat na tulungang maging magtagumpay ang COA para maisauli rin sa kaban ng bayan ang mga sobra-sobrang ipinagbubulsa ng mga matatakaw diyan sa MWSS.

BONUS NG GSIS BUSISIIN DIN

Sana busisiin din ang salary at bonuses ng mga nasa GSIS. Janitor nila mataas ang salary kaysa sa nurse. 0920925

PASIG PNP MAJOR PATONG SA DROGA

Dito po sa Pasig, patong sa drugs at illegal ang maj ng kapulisan. Isang Ed po ang tumatanggap ng weekly patong sa drugs. Trabaho rin ng grupo ni maj ang hulidap pag hinuli at kung wala pang areglo, tinatapalan  ng shabu para makasuhan. Kahit ituro lang ang tao basta alam nila na may pera kinakalawit nila. Paano, titino ang hanay ng kapulisan kung mismong maj ng kapulisan ang sangkot sa dugs at iba pang illegal na gawain?     0917257

SI LACIERDA

Ano mang buti ni Pnoy mahirap makamit kung ang mga tao niya ay puro katulad ni Lacierda, salamat po. Emiterio Bautista, Dasmarinas Cavite.           0915964
oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply