Water level ng 3 dam sa Luzon kritikal pa rin

SA kabila ng sunod-sunod na mga pag-ulan nananatili pa rin sa kritikal ang water level ng tatlong dam na pinagkukunan ng malinis na tubig sa Luzon, kabilang ang Angat dam na nasa Bulacan.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa huli nilang sukat kahapon ng madaling araw.

Nabatid na ang water level sa Angat Dam, na siyang nagsusuply ng 97% tubig sa Metro Manila ay nasa 173.48 metro kahapon dakong alas-6 ng umaga.

Mababa aniya ito ng 0.24 metro nang sukatin noong Miyerkules at kulang pa ng 10.71 metro na mababa sa “normal” level na 184.19 metro.

Kahalintulad din anila ito ng water level ng San Roque Dam sa Pangasinan, na mababa ng 10.60 metro sa normal na level na 263 metro na huling sinukat kahapon na 252.40 metro.

Samantalang ang level ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ay nasa 193.36 metro, mababa ng 12.14 metro sa “normal” level na 205.50 metro. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply