Water level sa dam, isang “click lang”

MADALI nang malalaman ngayon ang water level sa mga pangunahing dams sa bansa kung iki- ‘click’ lamang ang website ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay DOST Sec. Mario Montejo, real time at kada 10 minuto ang kanilang upgrading sa data hinggil sa water level monitoring.

Bukod aniya sa mga dams, namo-monitor din umano rito ang dami ng tubig sa mga ilog at lawa na magagamit sa kanilang forecasting.

Matatandaan pa rin na nauna ng ipinagmalaki ng Pagasa na mula sa six-hourly weather bulletins, naging kada oras na ang warning updates at ginawa na ring limang araw ang inilalabas na forecast.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Pagasa chief weather forecaster Dr. Max Servando ang iba pang mga pagbabago at initiatives sa kanilang trabaho.

Tinuran nito ang pagtatayo ng 59 synoptic stations, 23 agromet stations, 43 automatic weather stations na nagmo-monitor sa atmospheric parameters, limang meteorological satellites, anim na upper air stations at pagdating ng susunod na taon, magiging operational na ang 10 doppler radars.

Sinabi niya na ginawa na lamang nilang simple ang kanilang ginagamit na pananalita upang madaling maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang weather updates.

Ipinaglamaki rin nila na  pinagbuti rin nila ang warning system sa marine navigation kung saan mino-monitor ang laki ng alon sa dagat upang magagamit din ng mga shipping lines maliban sa inilalabas na storm signal. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply