Welga ng PAL employees kasado na

Tuluyan nang ikakasa sa susunod na buwan ng mga flight attendants at stewards ng Philippine Airlines ang gagawing strike laban sa flag carrier ng bansa.

Sinabi ni Andy Ortega, vice president ng Flight Attendants and Steward’s Association of the Philippines, na naghain na sila ng notice of strike sa Department on Labor and Employment matapos bumagsak ang kanilang pakikipag-negosasyon sa kompanya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni FASAP President Bob Anduiza na posibleng mawalan ng P40 milyon hanggang P60 milyon kada araw ang PAL sa gagawin nilang aksyon.

Binanggit din ng opisyal na target nilang maparalisa ng kanilang strike ang buong operasyon ng kanilang airline company.

Kasunod nito, sinabi ni Anduiza na ang desisyon ng unyon ay nabuo matapos magmatigas ang PAL management sa patakaran nito tungkol sa retirement age ng mga stewards at flight attendants.

Umapela naman si PAL spokesperson Cielo Villaluna sa unyon na irekonsidera nito ang kanilang plano at bumalik sa negotiating table.

Samantala, matatandaang una na ring nagsabi si Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na maaaring i-take-over ng pamahalaan ang jurisdiction sa labor dispute para sa agarang resolusyon nito sa oras na mangyari ang strike. BENEDICT ABAYGAR, JR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply