WESM bentahan na ng gintong kuryente

GUMAGRABE ang mga nagaganap na pagmamahal ng kuryente.

Nag-ugat ito, mga Bro, sa pag-iral ng Electric Power Industry Reform Act.

Noong ginagawa ang batas na ito, sinasabi ng mga tarantadong opisyal ng gobyerno na magiging mura na ang kuryente pag umiral na ang EPIRA.

Sabi nila, kapag nahawakan na ng mga pribadong negosyante ang 70% ng planta at kuryente ng National Power Corporation, magkakaroon na ng kompetisyon at tiyak na magpababaan ang mga ito ng presyo.

Diyan na makapamimili ang mamamayan ng gusto nilang magsuplay sa kanilang ng kuryente at dito mapilitang magpababa ng presyo ang mga kompanya para mabingwit nila ang mamamayan na kostumer.

Nilikha pa ng EPIRA ang Wholesale Electricity Spot Market o WESM na pinaka-Divisoria ng kuryente.

Siyempre, kilala ang Divisoria na bagsakan ng lahat ng kalakal kaya mura ang bilihin sa lugar na ito sa lungsod ng Maynila.

Habang nagtatagal ang panahon, anak ng tokwa, kabaligtaran ang nagaganap.

Pamahal nang pamahal ang kuryente at naging malaking panloloko at kasinungalingan ang mga pinagsasabi ng mga opisyal.

oOo

Diyan sa Albay na hindi namomroblema dati sa kuryente sa suplay at presyo dahil matatagpuan sa lugar ang geothermal plant ng Tiwi na ibinenta na ng Napocor, nanganganib silang mawalan ng kuryente.

Ang isyu rito ay nag-triple raw ang singil ng WESM sa kanila at nagbayad lang sila ng dapat na bayarin, ayon umano sa kuwenta ng Napocor batay sa time of use.

Hindi pumayag ang WESM at ngayon ay pinapuputol na nito ang koneksyon ng Albay Electric Cooperative sa National Grid na dati’y pag-aari ngunit ibinenta na ng Napocor.

Mabuti na lang at gumitna ang Energy Regulatory Commission at pinipilit nitong mag-usap ang WESM at Aleco.

Kung mamamayani ang WESM, patay silang mga uragon.

Blackout ang abutin nila at mapiperhuwsyo ang lahat ng kanilang mga kabuhayan.

oOo

Ano ba talaga yang WESM?

Ang dami nang reklamo na hindi Divisoria o bagsakan ng kuryente yan kundi palengke ng gintong kuryente.

P-Noy, ano ba ang puwedeng gawin diyan sa EPIRA at WESM?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply