West balik Celtics

MAGBABALIK na si Delonte West sa Boston Celtics, ayon sa announcement ng team kahapon kung saan ang 6-foot-3 guard ay kababangon lang mula sa sampung larong suspensiyon nang walang bayad matapos umamin sa weapons charges sa Maryland.

Sisimulan niya ang pagbuno sa nasabing parusa sa 2010-11 season.

Samantala, matapos suspendihin si Nenad Krstic ng tatlong laro dahil sa panghahataw ng silya sa isang atleta, lumaro muli ito at nanalo ang Serbia, 94-79, laban sa Australia sa basketball world championship kung si Krstic ay umiskor ng 14 points at 10 rebounds.

Kasabay nito, si Jaka Lakovic ay nakakuha ng 20 sa panalo laban sa Brazil ng Slovenia, 80-77 victory.

Pangalawa na ngayon ang Slovenia (3-1) sa Group B.

Dinurog naman ng top-ranked Argentina ang Jordan 88-79 habang ang host Turkey ay napanatili ang kanilang perpektong record nang gibain ang Puerto Rico, 79-77. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply