Whistleblower act inaapura

HABANG hindi pa naaksyunan ng Kongreso ang Whistleblower Protection Act inudyukan ni Aurora Rep. Sonny Angara ang gobyerno na lumikha ng isang task force na sesentro sa pagbibigay ng proteksyon at seguridad sa ilalim ng Public Attorney’s Office o ng Commission on Human Rights.

Kasabay nito ay nanawagan si Angara sa mga kasamahang kongresita na madaliin ang pagpapasa sa Whistleblower Protection Act dahil ang administrasyong Aquino ay naka-sentro sa pagpuksa sa katiwalian at korapsyon sa gobyerno.

Mungkahi ni Angara na ang Task Force ay kabibilangan ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP)  o Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pangunahing gampanin ay bigyan ng proteksyon ang mga whistleblowers .

” I can understand their frustration and I would not be surprised if we will no longer have any real whistleblowers except a few paid mercenaries who will say anything to serve the interest of their client,” paliwanag ni Angara.  Meliza  Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply