Venus Williams kuminang sa US Open

BAGAMA’T nagkaroon ng problema sa left kneecap, nanalo pa rin si Venus Williams sa U.S. Open at patunay lamang ito na magaling na ang tennis star.
Sapat na rin umano ang dalawang buwan na pamamahinga nito kamakailan.

Kahapon ay pinatalsik niya si 185th-ranked qualifier Mandy Minella ng Luxembourg 6-2, 6-1 sa dahilan upang makausad sa fourth round sa ika-12 na pagkakataon sa 12 biyahe niya sa tournament.

Nagulat din naman si Williams sa kanyang galaw dahil hindi umano niya inaasahang ganoon ang mangyayari.

Ayon kay No. 3-seeded Williams, ginamit niya ang kanyang experience at bilis kaya natalo si Minella.
Samantala, ang Briton na si Andy Murray ay tinalo si Jamaican Dustin Brown 7-5, 6-3, 6-0 kaya nakausad na rin ito sa third round ng U.S. Open.

Mabilis din namang tinalo ni defending champion Kim Clijsters si No. 27 Petra Kvitova kahapon at sinikwat ang 6-3, 6-0 victory laban dito. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply