Willie Revillame dedma sa demanda ng Dos

HINDI apektado si Willie Revillame nang makarating sa kanyang ang P486 milyong danyos kontra demanda sa kanya ng ABS CBN

Sa ibinigay na tiwala sa kanya ni TV 5 Chairman Manny Pangilinan nang papirmahin ito ng 3 years contract ay sapat na raw kay Willie para harapin niya nang taas noo ang mga pagsubok.

Positive ang outlook sa buhay ngayon ni Willie. Katunayan ay handang-handa na ito sa ginagawang bagong show sa TV5 na tatawaging “Willing Willie” Monday to Friday, 6:00 p.m. to 8:00 p.m.

Kasamang pumirma ng kontrata ni Willie sa TV5 ang kanyang anak na si Meryll Soriano, ang tiyuhin na si Carlos Revillame (kapatid ng kanyang ama) at ang kanyang abogado.

Anuman ang mangyayari ay wala nang makakahadlang sa muling pagharap ni Willie sa bagong niyang programa sa bagong network na co-produced na rin ni Willie Boy  with TV5 kaya asahan ang pagbaha ng sangkatutak na cash prize sa bawat segment ng show.

May nakalaan na rin siyang 12 houses and lots na ipamimigay sa mga masuwerteng contestant sa Willing Willie.

Ang latest na tsikang natanggap namin wala pang definite na araw ang airing nito at hindi ito sasabay sa launching ng bagong show ni Sharon Cuneta sa October 10, 2010, na tulad nang naunang balita. Basta ang sigurado ay plantsado na ang lahat sa show.

Ang tanong ng taga-Dos. Mailabas daw kaya ang show ni Willie sa TV5, ganoon may demandahan nangyayari sa dalawang panig.

RUFFA SHOCK SA TSISMIS NA SIYA ANG NAGPAKALAT SA SEX SCANDAL NI JOHN LLOYD AT SHAINA

Ikinagulat ni Ruffa Gutierrez nang marinig ang balitang siya ang itinuturong nagpapakalat ng sex scandal nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

Sabi ni Ruffa sa “Paparazzi” last Sunday na friends pa rin naman daw sila ni Lloydie at hindi siya bitter  kahit may Shaina na ngayon ang actor.

Huli na nga raw niyang nalaman ang tungkol sa “lock isyu” na yan at kina Cristy Fermin at DJ Mo Twister pa lang niya ito narinig.

Dahil di makapaniwala ay tinawagan pa niya si John Lloyd at ito naman daw ay pinasinungalingan ng actor at naniniwala raw siya kay Loydie.

Unfair nga naman kay Ruffa na pagbintangan dahil siya na nga itong niloko tapos siya pa ngayon ang pagbibintangan nagpapakalat nang ‘sex scandal” ng dalawang sikat na celebrity.

PILITA, ITINANGGI NA NAGHIHIRAP NA SIYA

Itinanggi ni Pilita Corrales sa Paparazzi na naghihirap na siya. Totoong nagsara na ang restaurant niya sa Greenhills dahil napagod na siya sa pagma-manage nito.

Maraming tao daw sa resto pero maliit lang ang pasok ng kinikita dahil sa taas ng renta. Kaya minabuti na lang niya itong isara kaysa mapabayaan nang tuluyan.

Halos araw-araw ay may show at kahit maliit na project ay kanyang tinatanggap dahil ayaw niya nang walang ginagawa.

Puwede daw siyang manatili sa bahay at magbuhay prinsesa. Pero ayaw niyang gawin dahil manghihina lang daw siya sa tahanan na walang ginagawa.

Itinanggi rin ni Pilita na nagkakausap sila madalas ni Nora Aunor. At lalong walang katotohanan na mas may bonding sila ngayong ng Superstar.

Katuwiran ni Ms Pilita na ikinagulat ng mga reporter sa taping ng “Paparazzi” last Saturday, na kung ang mga anak nga raw ni Ate Guy ay wala silang bonding, sila pa raw ng Superstar.

Inamin din ni Pilita sa Paparazzi na pinayuhan niya ang anak na si Jackie na huwag aalis ng kanilang tahanan kahit na malabo nang magkabalikan pa sila ni Ricky Davao.

Nagsasama na lang daw ang dalawa sa iisang bubong ngayon alang-alang sa kanilang mga anak.

****

Ngayong Wednesday sa “Ripley`s Believe It Or Not” maniniwala ka ba…kambal nakapagtapos ng kolehiyo at nagkaroon ng sari-sariling career kahit na pinanganap silang magkadikit ang ulo! At pusa hindi takot sa tubig, nag-iisang surfing cat sa mundo, 12 years old na bata, 6 foot inches ang laki makakalaro si Shaquille O` Neal sa basketball atbp hosted by Chris Tiu, sa Bilib Ka Ba? Araw-Araw, 4:30 to5:00 pm bago ang Hole In The Wall.”

***

Marami ang naawa sa babaing contestant sa Star Factor ng TV5 na si Megan dahil sinabihan siyang magluto na lang ni Annabelle Rama na sa sa mga hurado ng contest.

Lagi kasing ipinakita sa TV ang dalaga habang kinakausap at nagpapaliwanag sa mga hurado na bata pa siya ay pangarap na niyang maging artista.

Graduate yata ng culinary ito at hindi pumasa sa panlasa ni Bisaya ito kaya sinabihan na magluto na lang ito kaysa mag-artista.

Sure naman kami na walang malisya ang comment ni Bisaya sa mga contestant at kabilang na nga dito si Megan nga ba ang pangalan.

Anyway, in fairness sa mga napiling 18 hopefuls contestant ng Star Factor lalo na parte ng mga kababaihan, may karapatan ang mga ito na mapasama sa final.

Mas maraming maganda sa mga babae kumpara sa mga lalake contestant na binubuo nina Christian Samson, Cristine Serrano, Claire Ruiz, Clint Gabo, Eula Caballero, Gail Garcia, Jazz Ocampo (baka kamag-anak ng inyong lingkod pa), John Uy, Kevin Francisco, Krissha Viaje, Kyru Sri, Mav Lozano, Miguel Estenzo, Morissette Amon, Nikita McElroy (bet ko), Paul Montecillo, Rico dela Paz at Ritz Azul. Teka Muna/Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply