Willie Revillame, certified Kapatid na!

SA ISANG contract signing na nangyari kamakailan ay mainit na tinanggap ng TV 5  Chairman na si  Manny Pangilinan si Willie Revillame.

Magsisimula ang show ni Willie Boy sa Singko kung walang magiging aberya sa October 10, 2010 at ang show ay tatawaging “Willing Willie” managed by Wil Productions, Inc, at co-produced ng TV5.

Ipinawalang-bisa ni Willie ang kanyang kontrata sa ABS CBN matapos siyang bigyan ng kanyang mga lawyer ng go signal para pumirma na sa TV5.

“It took some time for us to give Willie the go ahead to sign up with a new network because we had to meticulously scrutinize all the technicalities and legalities of his former contract. We wanted to make sure that his transfer will be as smooth as possible, without further legal drawbacks and hitches that can hamper his growth in his new network. With everything we`ve done and the actions that we plan to do, we believe that Willie is on the clear to work and grow anywhere he wants,” esplika ni Atty. Joel Bodegon, abogado ni Willie.

Inamin naman ng bagong manager at business partner ni Willie na si Vic del Rosario na ang desisyon nilang maging Kapatid ay dahil na din sa makabagong direksyon na tinatahak ng TV5 para lalong makapaghatid ng quality programming at excellent production sa telebisyon. Willie`s new show will undoubtedly bring joy to his legions of fans both here and abroad and will set the bar for primetime entertainment in today`s television, “say ni Boss Vic del Rosario.

Samantalang full support din ang ibinigay ng TV5 at mismong Chairman Manny Pangilinan at kanyang sinabi: “ We have responded to the public clamor and we took forward to collaborating and working with the team of Willie and (Viva) Boss Vic del Rosario in bringing the audience the best in Philippine entertainment.”

Kumpirmado din na 6 p.m. to 8 p.m., Monday to Friday ang timeslot ng bagong programa ni Willie sa TV5.

***************

Tuwang-tuwa si Jacky Woo sa Hollywood movie na ginagawa niya ngayon sa Bulgaria sa eastern Europe.

Sa tsikahan namin sa Japanese actor/producer na kilala na rin actor sa Pinas ay sobrang impressed daw sa kanya ang mga staff and crew ng naturang Hollywood movie.

Sabi pa ni Jacky, pagkatapos ng naturang movie, nakatakda siyang bumiyahe papuntang Los Angeles, California para pumirma ng kontrata sa production company na siyang nangangasiwa ng Hollywood movie na kanyang ginagawa ngayon.

Nakatakdang bumalik ng Pinas si Jacky para naman tuparin ang mga guesting niya sa iba`t-ibang programa ng Kapuso Network dahil sa Nobyembre ay magre-resume sila ng shooting sa Bulgaria.

Kung papalarin ay hindi lang sa Pinas sikat si Jacky, bukod sa Japan na siyang kinalakihan at tinitirhan niya ay makilala na rin siya sa Hollywood.

Isa sa siguradong matutuwa kapag nag-klik ang movie ni Jacky sa Bulgaria ay ang kaibigan namin sa panulat na si Joebarr.

Talbog sila!

***************

Nakausap namin ang 18 hopefuls na contestants ng Star Factor sa KB Studio, Marikina Cainta last Saturday.

Magaganda ang lahat ng mga babae napili kumpara sa mga lalake. Ang lakas ng dating ni Nikita McElroy na half-Pinay at half African, 16 years old, 5`6 ang taas at 33-27-33 ang sukat ng katawan.

Sabi ni Nikita, pangarap niyang sumabak sa mga beauty contest at naniniwala na siya ang susunod na Venus Raj.

“Sumali po ako sa Star Factor para matupad ang pangarap ko sa buhay. Baka ito na po ang simula ng aking pangarap. Sana mapasama ako sa finals,” say ni Nikita.

Hindi naman ikinaila ni Nikita na hiwalay na ang kaniyang mga magulang. Two years old pa lang daw siya nang iwanan ng father niyang African ang kaniyang mother na kasalukuyang naninirahan at nagta-trabaho na ngayon sa Las Vegas.

Hindi na raw nag-asawa pa ang kanyang ina at nagtrabaho na lang ito para mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

Maipagmamalaki naman daw ni Nikita na kahit naghiwalay ang kaniyang mga magulang ay lumaki siyang may takot sa Diyos at masunuring anak.

At 16 ay never pa raw siyang nagka-boyfriend, May nanliligaw daw pero hindi niya binibigyan pansin.

May ambition daw kasi siya sa buhay kaya di pumasok sa isip ang magkaroon ng karelasyon. Puwede daw niyang ipagsigawan sa buong mundo na siya ay sweet 16, never been kissed at never been touched.

Sa 18 Hopeful na contestant ng Star Factor ay isa lang sa kanilang ang tatanghaling Star Factor grand winner na mag-uuwi ng P 1 million cash at P 1 million TV5 management contract kasama ang bonggang 3-bedroom, 2-storey house and lot.

Ang mga mapalad na nakasama pa ni Nikita sa Star Factor ay sina Christian Samson, Christine Serrano, Claire Ruiz, Clint Gabo, Eula Caballero, Gail Garcia, Jazz Ocampo, John Uy, Kevin Francisco, Krissha Viaje, Kyru Sri, Mav Lozano, Miguel Estenzo, Morissette Amon, Paul Montecillo, Rico dela Paz at Ritz Azul. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply