Woods banta sa Ryder Cup

SIGURADONG makakapasok na si Tiger Woods sa Ryder Cup matapos siyang piliin ng captain ng team dahil sa kanyang 71 victories at 14 majors.

Kasama rin naman ang 21 taong gulang na si Rickie Fowler na wala pa namang naipapanalo.

Ginawa ni Corey Pavin ang nakagugulat niyang pahayag nang pagkakapili niya kina Woods at Fowler.

Samantala, kasama rin sa listahan sina dating major champions Zach Johnson at Stewart Cink.

Kaya umano nakasama sila ay dahil naniniwala si Pavin na ang mga ito ang magbibigay ng karangalan sa Estados Unidos para maidepensa ang titulo.

Ayon kay Pavin, kahit wala pang napatutunayan si Fowler, pinili niya ito dahil may pakiramdam siyang maipapanalo ng team ang kanilang kampanya kapag nakasama ito sa grupo.

Ang Ryder Cup ay papalo mula Oct. 1 hanggang 3 at gaganapin sa Celtic Manor sa Wales.

Una nang napanalunan ng United States dalawang taon na ang nakararaan ang titulo sa Valhalla at tatangkain nila itong idepensa sa labas ng bansa sapul noong 1993 na idinaos sa Belfry.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply