Supt. Orlando Yerba kumuha ng bar exam

KABILANG sa mga kumuha ng Bar Examination  noong Linggo si hostage-taker negotiator Supt. Orlando Yebra.

Sa ikatlong araw ng fact-finding hearing ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC), sinabi ni Yebra ang kanyang background, kabilang na ang pagiging graduate ng Bachelor of Laws.

May tatlo pa umanong Linggo para siya kumuha ng bar examination sa Dela Salle University sa Taft, Ave., lungsod ng Maynila, at hindi umano siya gaanong maka-pag-review dahil sa hearing.

Kahit hindi pa abogado, si Yebra, ang chief ng legal division ng Manila Police District (MPD).

Ilan sa trabaho niya ay pag-review sa administrative case ng mga pulis na nakabinbin sa MPD.

Nilinaw ni Yerba, ang nangyaring hostage-taking incident sa Luneta ay panlimang kasong hinawakan niya.

Inamin ni Yebra na hindi “opisyal” ang pagkakatalaga kay Chief Inspector Romeo Salvador na maging assistant negotiator niya sa nangyaring insidente sa Quirino Grandstand noong nakaraang August 23. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply