Young golfer isinoli ang medalya

NAGPASYA ang batang golfer na si Zach Nash na isauli ang kanyang medalya na napanalunan sa junior Wisconsin PGA tournament.

Ito ay matapos matuklasan ng 14-anyos na taga-southern Wisconsin na ang kanyang golf clubs sa sisidlan ay higit sa labing-apat.

Ipinagbabawal ito sa nasabing tournament at dala na rin ng konsensya ay ipinagtapat niya ang lahat at isinauli ang medalya. Una nang nakabuslo si Nash ng 77 para manalo sa boys 13-14 age division sa Milwaukee County Parks Tour Invitational at nadurog niya ang 31 iba pang players dibisyon.

Humanga naman sa kanya ang mga organizers at mga fans dahil sa ipinakita niyang katapatan maging si Tiger Woods na isa sa kanyang mga mentors.      GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply