‘Absentee voting’ sa media inirekomenda

HINILING kahapon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa Kamara de Representantes na isingit sa dalawang linggong marathon session ang pagpapatibay sa panukalang maagang pagboto para sa mga mamamahayag.

Sa harap na rin ito ng nalalapit na pagdaraos ng Sangguniang Kabataan at Baranggay Elections na nakatakda sa October 25.

Sinabi ni Casiño na dapat nang mapagtibay ang House Bill 1960 o ang Early Voting for Media dahil kadalasan aniyang hindi nagagawa ng mga mamamahayag ang kanilang karapatan sa pagboto dahil idinidistino ito sa ibat-ibang lugar sa panahon ng eleksyon.

May karapatan din aniya ang mga ito na bomoto ng mas maaga gaya ng mga sundalo, pulis at mga overseas Filipino workers.

Noong ika-14 Kongreso, nakalusot sa Senado at Kamara ang panukalang maagang pagboto para sa media pero nabigo ang dalawang kapulungan ng kongreso na mapagtibay ang reconciled version nito hanggang sa abutan na ng pagsasara.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply