‘Barto’ nakaungos kay Pagdilao sa NCRPO

NATAPOS na ang espekulasyon kung sino ang papalit kay Director Leocadio Santiago Jr. bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang ianunsyo ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo na si Region 4A PNP director chief Supt. Nicanor Bartolome ang siyang mapupunta sa nasabing posisyon simula bukas.

Matatandaang sina Bartolome at Chief Supt. Samuel Pagdilao, hepe ng Region 6 PN P, ang pinagpilian upang pumuwesto sa mababakanteng posisyon ni Santiago.

Marami ang nagsabi na lyamado si Pagdilao kay Bartolome, ngunit napatunayang wala pala itong basehan.

Kamakailan ay naglabas ng kautusan ang Malakanyang na kasuhan ng administratibo ang apat na opisyal ng kapulisan, kabilang si Santiago, bunga ng palpak na rescue attempt sa Luneta hostage-taking noong nakaraang Agosto 23.

Ayon kay Bacalzo, ibinatay niya sa kagustuhan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pagkakapili sa kababayang si Bartolome para sa puwestong hepe ng NCRPO.

Malaki umano ang tiwala ni Pangulong Aquino sa kakayahan ni Bartolome, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1980 at naging provincial director sa lalawigan ng Tarlac.

Dahil sa bagong posisyon ni Bartolome, magkakaroon ng “minor reshuffle” ang PNP. Ito ay matapos aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng PNP na magpalit ng mga posisyon at mga tauhan sa loob ng organisasyon.

Ayon sa batas, bawal magkaroon ng pagtatalaga sa posisyon sa gobyerno bago o habang kampanyahan para sa eleksyon, maliban kung mayroon itong pahintulot ng Comelec.

Sa Oktubre 25 ay idaraos ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan.

Bukod kay Santiago, ang iba pang opisyal ng PNP na masisibak sa puwesto ay sina dating Manila Police District (MPD) director chief Supt. Rodolfo Magtibay, at Supt. Orlando Yebra at Chief Insp. Santiago Pascual III, the commander of the MPD’s Special Weapons and Tactics (SWAT).

Si Pagdilao ang papalit kay Bartolome bilang hepe ng kapulisan sa Region 4A o Calabarzon area. Ang ipapalit naman kay Pagdilao ay si Chief Supt. Cipriano Querol, pinuno ng Police Community Relations Group (PCRG). Ibabalik si Santiago sa Camp Crame habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong administratibo ng National Police Commission (Napolcom) laban sa kanya. Anthony Vargas/Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply