‘Botcha’ talamak na sa Balintawak mart

DAHIL sa hindi mapigilan na pagdagsa ng double dead na karneng botcha sa Balintawak Market ay muli na namang sinalakay ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang palengke at nasamsam ng 50 kilo ng nasabing ipinagbabawal na paninda.

Kinilala ng pulisya ang  nadakip na vendor na si Ricardo Salome, 38, ng Brgy. Wawa, Tabing Ilog, Balagtas, Bulacan.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, hindi sila magsasawa sa pagsalakay sa Balintawak market kahit paulit-ulit ang pagbebenta ng mga iligal ng mga vendor dito.

Nabatid na 24 oras na minamanmanan ng QCPD La Loma Police Station sa pangunguna ni PO3 Virgilio Bernardo ang Balintawak Market at iba pang palengke, para matukoy ang nagbebenta ng karne na walang permit sa city health office. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply