‘Celebrity cop’ C/Insp. Rodrigo Soriano

Sa kapulisan ng lungsod Caloocan, bukambibig sa huntahan ang isang nagngangalang Chief Inspector  Rodrigo ‘Rod’ Soriano.

Walang pulis ng lungsod ang ‘di nakakikilala kay Soriano. Sa sobrang kasikatan, matatawag nga natin siyang ‘Celebrity cop’.

Dahil popular ang pangalan, muling sumagi sa isipan ko ang legendary British  detective, si Sherlock  Holmes.

At pag ‘ala Sherlock Holmes’ ang record ng isang pulis, ito’y  materyal para makagawa ng magandang police story.

Pero ang inasam kong makapagsulat muli ng ‘ala Sherlock Holmes’ story ay na-unsiyami dahil kabaligtaran ang aking inaasahan.

Nakumpirma kong talagang sikat na sikat  nga si Soriano, ‘di dahil sa magandang achievement na katulad ni Sherlock Holmes.

Negatibong accomplishment ang balita rito at ‘di naaayon sa itinatadhana ng Philippine National Police

Mula nang matalaga sa Caloocan Police Station, walang  maipagmamalaking  kontribusyon si Soriano bilang pulis.

Imbes na impormasyong magpapatingkad sa kanyang imahe,  negatibo ang nasagap nating ulat tungkol sa opisyal na ito.

Ang suhestiyon natin sa ating kaibigang si Caloocan police chief  S/Supt. Jude Santos –  matyagan ang kilos ni Soriano.

Dahil, bilang superior, kahit walang alam sa mga nangyayari, sa kanya ang tama sa prinsipiyo ng command responsibility.

EX-O JR GUNGUN KAKASA SA HALALAN

Mula sa matagal na pagiging Ex-O ng Hulong Duhat sa Malabon, nais ng ating katotong JR Gungun na maging Brgy. Kagawad.

Kilalang kumakasa sa  problema, tuloy-tuloy na, aniya, ang kanyang pagtakbo sa darating na Oct. 25 brgy. election.

Sa tagal na ni JR sa panunungkulan bilang brgy.  executive officer, ang kanyang maayos na trabaho ang sangkalan para suportahan ng kanyang mga kabrangay.

Ika nga ng slogan niya “Subok sa Serbisyo, Hulong Duhat ang Panalo.” Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply