‘Classroom conducive’ para sa isang guro’

Ang paaralan ang ikalawang tahanan ng ating mga anak. Ang mga guro ang kanilang ikawalang mga magulang.  Kasama na dito ang inisyatib ng mga guro na ika nga’y gawing ‘feel at home’ ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Naniniwala ang ‘education experts’ na makalilikha ito ng mas maayos, matagumpay at epektibong pag-aaral ang mga batang mag-aaral.  Gayundin ang maayos na pakikitungo ng mga guro  sa mga ito. Ito’y mahalaga sa paghubog sa katauhan ng isang bata.

Para sa mga guro, ang paglikha ng ‘classroom conducive’ para sa pag-aaral ng mga bata ay maituturing na ‘katuparan’.   “This is one of the goals of a teacher in her teaching profession.”

Ang isang komportableng silid-aralan ay nakapagpo-prodyus ng mga produktibong mag-aaral. “If the children are comfortable in the classroom; this will help them have more concentration in their lessons which will help learning more effective.  The teacher cannot expect a good result if she does not have a classroom conducive to learning.  It is important for the teacher to create a classroom that keeps the children safe and comfortable inside the classroom to enhance better learning,” ayon sa artikulo ni Masmasika, sa hubpages.com

Naririto ang ilang tips na makatutulong sa mga guro na makalikha ng isang ‘classroom conducive to learning’.

Magkaroon ng sapat na espasyo ang silid-aralan.    Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na espasyo kung nais ng guro na maging komportable ang kaniyang mga estudyante. Impotante ito para sa kanilang malawak na gagalawan lalo na sa paglalaro.  Ang silid-aralan ay dapat na ligtas sa anumang uri ng kalat o mga bagay na makapagdudulot ng aksidente sa kanila.

Saapat na temperatura.  Dapat na ikunsidera ng guro ang temperatura ng silid-aralan na hindi ayon sa kaniyang nararamdaman kundi ayon sa temperatura ng mga bata.  Mas mataas kasi ang temperatura ng mga bata kesa sa mga nakatatanda.  Kung gumagamit ng air-conditioner, hindi ito dapat na masyadong malamig;  kung heater naman, hindi ito dapat na masyadong mainit.

Maglagay ng mga dekorasyon .   Malaki ang nagagawa ng mga dekorasyon sa progreso ng edukasyon ng mga bata.  Hindi natin minsan namamalayan, naghahanap ng  ‘cartoon characters’ ang mga bata kapag pumasok na sa silid-aralan.  Bagama’t ayon sa experts, hindi ‘assurance’ ang mga dekorasyon para sa paglikha ng matatalinong estudyante, subali’t nakatutulong ito sa mga bata na ika nga’y ma-motivate’ upang maging kawili-wili ang kanilang pag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Maglagay ng epektibong ‘learning tools’ .  Para maging epektibo ang pag-aaral,  dapat na maglagay ng angkop na mga kagamitan para sa mga bata.  Takaw-pansin sa mga bata ang   visual aids.  Base sa karanasan, hindi nag-e-enjoy sa pag-aaral ang mga bata kung walang visual aids.

Dapat na piliin ng mga guro kung anong ‘learning tools’ ang epektibo sa kanila.  Ang isang  preschool teacher ay dapat na maging ‘resourceful’ at ‘creative’ upang makuha ang atensiyon ng kaniyang mga tinuturuan.

Sapat na liwanag, kulay.  Ipinapayo ng experts na dapat ay sapat ang liwanag at kulay ng paligid ng silid-aralan.  Magpinta ng ‘murals.

Mula sa lugar na pinagdarausan ng pag-aaral hanggang sa palikuran.  Sa ganito, malaya silang makagagalaw habang nasa loob ng silid-aralan.
Dapat din na maaabot ng bata ang lababo para sa paghuhugas ng kamay at ang water station.

‘Simply Healthy Academy’ kaisa sa pagsusulong ng maayos na edukasyon

HINDI  lamang nangangahulugan sa wastong pagkain at pag-eehersisyo maituturing na malusog ang isang batang mag-aaral.  Mahalaga din ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran para sa matiwasay na pamumuhay.

Inilunsad kamakailan ng ilang health at well-being experts ng  Royal Philips Electronics ang  Simply Healthy Academy, isang napapanahong information drive para isulong ang  ‘wellness’ at higit pang kaaya-ayang  ‘learning conditions’  para sa mga Pilipinong mag-aaral sa bansa.

Target ng  educational road show ang mga mag-aaral na nasa ika-lima at ika-anim na baitang sa elementarya sa mga paaralan sa Metro Manila, nagsagawa ang Philips Simply Healthy Academy ng  interactive teaching sessions na nakapagbibigay saya sa mga bata at simpleng tips para lalong mapabuti ang kanilang  school performance at lakas ng pangangatawan.

“Through the Simply Healthy program, we mean to educate children that being healthy involves not just eating right and having plenty of exercise, but making their environment favorable to wellness as well,” said Nini Icban, Corporate Communications Manager of Philips. “We wanted to make the learning fun as well, and from the enthusiastic response we’ve had so far from the schools, we’re happy to say that all the kids had a great time.”

Ang Royal Philips Electronics of the Netherlands (NYSE: PHG, AEX: PHI) ay kilala bilang ‘health and well-being company’ na naka-pokus  sa pagpapabuti ng buhay ng tao sa pamamagitan ng napapanahong inobasyon.

Napatunayan mula sa ilang mga pag-aaral na malaki ang nagagawa sa paghubog ng pagkatao ng isang batang mag-aaral ang maayos na study habits at maaliwalas na kapaligiran.

Dinalaw ng Philips Simply Healthy Academy ang mga paaralan sa Metro Manila gaya ng  OB Montessori, Xavier School, at  Lourdes School sa Mandaluyong, Colegio de San Juan de Letran Calamba, and University of Perpetual Help Calamba.

Pinangunahan ng volunteers mula sa Philips corporate headquarters sa Makati at  Philips Respironics sa Laguna na gumanap bilang mga guro o ‘teacher for a day’,  ang learning session tampok ang kahalagahan ng ehersisyo, pagkakaroon ng maayos na pailaw  at malinis na hangin.

Kabilang sa volunteers ay si  Philips Philippines CEO Rico Gonzales, bilang guest teacher sa Simply Healthy program sa OB Montessori. “It was truly a fun experience working hand in hand with the schools’ teachers and fellow Philips employees, and interacting with the kids,” paglalahad ni Gonzales. “We all had a great time as teachers, and we’re thrilled to be able to teach the young generation, especially on a topic as important as health and wellness.”

Iikutin din ng  Simply Healthy Academy ang La Salle at  Don Bosco sa Laguna, at iba pang mga piling paaralan sa Metro Manila. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply