‘100 days’ ni Noynoy pasado kay Gringo

PASADO sa ilang senador ang unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahit pa may mga kapalpakan sa ilalim ng kanyang batang-batang panunungkulan tulad ng madugong hostage crisis sa Luneta noong Agosto 23 at ang alegasyong tumatanggap ng “jueteng” payola ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Sa magkakahiwalay na panayam, inamin nina Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Gregorio Honasan na may ilang pagkakamali ang Pangulo sa pagtatalaga ng ilang opisyal na siyang naging “problema” ng administrasyon.

Ayon kay Sotto, inaasahan sana niya na mabibigyan niya ng markang  9 sa pinakamataas na 10 ang unang 100 araw ni Pangulong Aquino, ngunit dulot ng ilang kontrobersiya, binigyan lamang niya ng 7.5 ang kasalukuyang administrasyon.

“I was expecting a 9 from Day One, but it is not a failure. Hindi naman maiiwasan ang ilan, hindi naman puwedeng perfect ang lahat ng appointments,” ayon kay Sotto.

Pinatutungkulan ni Sotto ang pagkakatalaga kay  Jesse Robredo at Rico Puno sa Department of the Interior and Local Government bilang kalihim at undersecretary.

“May mga good, mayroong mga not-so-good,” ayon kay Sotto.

Para naman kay Honasan, hindi dapat sisihin si Aquino sa nangyaring kapalpakan sa Luneta hostage crisis bagkus dapat pa siyang hanggang dahil inako niya ang responsibilidad.

“Dalawa lang naman ang umako ng responsibilidad sa kapalpakan ah, siya at ang ground commander. Yung iba, nagtatago,” giit ni Honasan.

“I give him the benefit of the doubt, I give him a passing mark,” dagdag ni Honasan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply