‘Florence’ ililipat sa Maynila

PINAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na ilipat sa Maynila ang volunteer nurse na itinatago sa pangalang “Florence,” biktima ng rape sa Maguindanao.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang nasabing hakbang ay upang tiyakin ang seguridad ni Florence habang hindi pa ito tuluyang gumagaling.

Habang nasa Cotabato ang biktima ay hindi pa rin lubusang matiyak ang seguridad nito, lalo na’t hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang mga may pananagutan sa krimen.

Kaugnay nito, isasailalim na ng NBI sa imbestigasyon si South Upi, Maguindanao Vice Mayor Jordan Ibrahim hinggil sa posibleng pagkakasangkot nito sa kaso ng umano’y “gang rape.”

Sinabi ni de Lima na inatasan na niya ang PNP-CIDG para alamin kung handa pa rin ba si Ibrahim na boluntaryong sumailalim sa DNA test at magsumite ng blood sample nito.

Gayunman, atubili naman ang abogado ni Ibrahim dahil hindi pa pormal na ikinukunsiderang suspek sa kaso ang kliyente nito.

Nauna rito, lumitaw sa DNA test result na isa lamang ang posibleng gumahasa sa biktima at hindi ito tumutugma sa sinuman sa mga inarestong suspek, kasama na si Melchor Fulgencio na umaming isa siya sa mga humalay sa biktima. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply