‘Inutil’ na GSIS ipinabubuwag na

MAHIGPIT na iminungkahi ng isang senador na buwagin na lamang ang Government Security and Insurance System (GSIS) dahil hindi naman natutugunan ng ahensiya ang pangangailangan ng mga miyembro nito, partikular ang pagbibigay ng benepisyo.

Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Sen. Teofisto “TG” Guingona Jr. na maraming patakaran  na ipinatutupad ng GSIS na hindi lamang lumalabag sa batas na lumikha sa ahensiya na tiyakin at siguruhin na may maayos na paseguro ang ating mga guro at kawani ng pamahalaan.

“Sapagkat walang ibang layunin ang batas na ito kundi tiyakin at siguruhin na may maayos na paseguro o insurance ang ating mga guro at kawani ng gobyerno. Mga guro at kawani na buwan-buwang matapat na naghuhulog ng kanilang premium contribution,” giit ni Guingona.

Partikular na tinukoy na palpak na patakarang ipinatutupad ng GSIS ang Premium-Based Policy, Automatic Premium Loan (APL), at Claims and Loans Interdependency Policy (CLIP).

“Ilan lamang ito sa mga patakaran ng GSIS na sa tingin ko ay hindi makatarungan at lumalabag sa mismong mga titik at diwa ng GSIS Act of 1997,” aniya.

Dagdag pa ni Guingona, “walang ibang layunin ang batas na ito kundi tiyakin at siguruhin na may maayos na paseguro o insurance ang ating mga guro at kawani ng gobyerno. Mga guro at kawani na buwan-buwang matapat na naghuhulog ng kanilang premium contribution.”

Inihalimbawa ni Guingona ang inaasahang P60,000 na makukuha sana ng isang titser na nagngangalang Luz Sibonga, na 15 taong nagtuturo sa Baesa High School, mula sa cash surrender value. Wala siyang natanggap kahit piso.

Dahil dito, hiniling ni Guingona na buwagin ang naturang patakaran ng GSIS, bayaran ang lahat ng nawalang mga benepisyo at mga utang na siningil sa mga kasapi at retirees na hindi naman nila pagkakasala, kasama na ang interes ng mga ito,.

“Papanagutin ang mga opisyales ng GSIS dahilan sa tahasan nilang paglabag sa mga tadhana ng GSIS Law at habulin ang mga ahensiyang may pagkukulang sa proseso ng remittance at record keeping at hindi ang mga pobreng empleado,” aniya.

Inihayag din niya na amendahan  ang probisyon ng GSIS Law hinggil sa Board Membership at gawin itong pro-rata upang matiyak ang mas malakas, mas marami at direktang representasyon ng mga guro at kawani; at suriin ang GSIS Act of 1997 para sa iba pang mga kinakailangang pag-amyenda dito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply