‘Magaling tayo pero madalas hindi tayo bilib sa ating sarili’ — Vicente Sotto III

TILA nalilito na ang mga magulang sa magkakasu-nod na isyung kinakaharap ng bansa.

Hindi na malaman kung alin dito ang papanigan.   Sa isyu ng Reproductive Health bill, pagsasaligal ng jueteng at ngayon ang pagdaragdag ng 2 taon sa basic education  o ang K+12 ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa hirap ng buhay ngayon, hayagan ang pagtutol ng maraming magulang sa konsepto ng K+12.
Isang taon sa elementarya at 1 taon sa high school bukod pa sa kindergarten.

Tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang naturang panukala dahil sa kasabihan na ‘quality education’ at hindi ‘quantity education’ ang kailangan ng bansa para maiangat ang kalidad ng edukasyon.

“I oppose the addition of two years to basic education.  It’s a waste of time, effort and money.”  Ito ang tahasang  paninindigan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III.

Sa kaniyang priviledge speech sa Senado, iginiit ni Sotto na walang malinaw na benepisyo sa pagdaragdag ng 2 taon sa 10-year basic education.  Marami aniya sa 2nd year college ngayon gaya ng high school graduates na walang trabaho.  Hindi dahil sa kakulangan ng kakayanan (intelligence/skills) kundi walang sapat na trabahong mai-prodyus ang bansa sa dami ng job-seekers.

Dagdag na pahirap din ito sa mga magulang na nahihirapang igapang ang mga anak sa high school pa lamang.  “More years in school  translate to more expenses for two years more.  Lalong magiging mahirap masambit ng mga magulang ang mga katagang – Kahit papaano, napagtapos ko ang aking mga anak ng High School.”

Pangatlo, hindi aniya sapat ang national budget para suportahan ang umiiral na 10-year basic education.  “Dadagdagan pa natin? We need quality education, not quantity of years in education.

We need more schools, not more years in school.”

Binigyang diin pa ni Sotto na panahon na para tigilan na ng ating gobyerno ang panggagaya ng mga istilo o ang tinatawag na ‘world standard’ at hindi tayo kasing-gagaling ng ibang bansa.

‘They tell us sir, that this is the world standard.  Mr. President, if the world standard does not suit our situation and culture, then let the world educate its young the way they see fit, and let us educate our young the way we see fit.”

“This proposal to add two years may be borne out of a perception that we are not as good as others. We are again in self-flagellation mode of our educational system. ”

“Napag-iiwanan na daw tayo,” ani Sotto dahil ang Pilipinas na lamang ang tanging bansa na may 10-year education cycle ayon sa UNESCO.   Samantalang patuloy na dumadagsa sa bansa ang maraming South Koreans para mag-aral ng English.   “As we ourselves veer away from English in basic education.  Foreign students compete with our students for precious space in nursing and medicine courses.  These are the problems worth looking into, not adding two years of expenses to our students and parents.”

“Tama na po itong panggagaya sa iba. Mayroon naman tayong sariling bait, sariling pang-unawa ng ating kalagayan, sariling panuklas ng mga solusyon ng ating mga problema. Ang kailangan natin ay ang ating angking talino at karunungan sa mga bagay-bagay sa mundo.  Kailangan nating maging mapayapang tao, maging masisipag na trabahador, maging mga tapat sa paghawak ng pera, maging totoo sa wika, maging matulungin, maging makatao,” wika pa ng mambabatas.

“Education’s aims are always two-fold, Mr. President,  – instruction about the world outside; and  formation of the person inside.  Knowledge must be accompanied by character to equip one to achieve his potential and prepare him to live in society with others.  The most brilliant mind who kills for no reason will end up in jail, without much use of his intellect.  The good person, even without outside formal education, can become an honest businessman and a gentleman, a good citizen and  deserving  child of his God.”

Sa huli, kumpiyansa si Sotto na hindi lamang  ang paaralan ang maaaring maging tagapagturo.  Mga magulang, simbahan, komunidad, at ang kabuuan ng ating kultura ang makapagtuturo at magsanay sa mga anak upang maging mabubuting mamamayan.  “Let us not complicate matters; let us not fix what is not broken.”

“Magaling tayo, pero madalas, hindi tayo bilib sa ating  sarili. Blame it on centuries of subservience and colonization. We stumble to apologize, we own up faults before we are accused. Other countries wage wars, kill millions and after fifty years, it’s so hard for them to apologize. It’s time to believe in ourselves. For these reasons, and for the Filipino people, I object to the addition of two years to basic education. “ Linda Bohol/ (Photo by: Rudy Rabulan)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login