‘Number-coding’ sa bus sisimulan sa Nobyembre

IPATUTUPAD na sa kalagitnaan ng Nobyembre a-kinse ang implementasyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding para sa mga Public Utility Buses (PUBs).

Ang pagpapatupad nito ay kasabay ng naging pagbasura kamakailan ng Metro Manila Council (MMC) sa panukalang Odd-Even Scheme na ipapatupad sana sa kahabaan ng Edsa.

Nagkaisa kasi ang MMC na kinabibilangan ng mga alkalde sa Metro Manila na tutulan ang panukalang Odd-Even Scheme na isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang isa sa mga solusyon para mabawasan ng 50% ang malaking bolyum ng sasakyan sa nararanasang matinding daloy ng trapiko sa Edsa. Sa ilalim ng number coding, lahat ng provincial at metro buses na may plakang  nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal dumaan sa Edsa tuwing Lunes habang ang plakang nagtatapos sa 3 at 4 ay bawal kapag Martes.

Samantala, ang 5 at 6 ay bawal kung Miyerkules at bawal naman sa araw ng Huwebes ang mga plakang nagtatapos sa 7 at 8 habang ang plakang nagtatapos sa 9 at 0 ay bawal kapag Biyernes. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply