‘Paskong Tuyo’ sanhi ng holdapan

PINANINIWALAANG  sintomas ng hirap na buhay sa nalalapit na Pasko ang sunod sunod na holdapang nagaganap sa lungsod ng Marikina nang looban ang dalawang sangay ng Western Union sa lungsod na ito  nang may ilang araw lang ang pagitan.

Unang nilooban ang Western Union sa may Barangka, dakong 12:00 ng tanghali nang magpanggap na kostumer ang dalawang holdaper at pwersahang pasukin ang opisina kung saan nag-iisa ang empleyado dahil kumakain ang mga kasamahan nito sa labas. Nilimas ng mga ito ang kaha ng opisina at maging mga personal na gamit ng empleyado tulad ng cell phone at pitaka nito.

Pinaghubad pa ng suspek ang babae upang di makatawag ng saklolo sa pagtakas ng mga ito.

Sumakay lamang ng jeep ang mga ito palayo sa lugar ng krimen.

Sunod na nilooban ng mga holdaper dakong alas-dos ng hapon ang Western Union sa Marikina, kung saan halos magkatulad na modus operandi ang ginawa ng mga suspek.

Ayaw namang magbigay ng pahayag ang mga empleyado kung magkano ang nakulimbat na salapi ng mga suspek. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply